
MAFAR pinalakas ang pagsasaayos ng mga rekord sa ginawang Capacity-Building Workshop at Records Reconciliation

COTABATO CITY (Ika-8 ng Mayo, 2025) — Nagsagawa ng Capacity-Building Workshop at Records Reconciliation sa Davao City ang ang Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform (MAFAR) noong ika-28 ng Abril hanggang ika-1 ng Mayo sa pamamagitan ng Agrarian Reform Services sa pangunguna ni Bangsamoro Director General Taugan S. Kikay, Ph.D., at may buong suporta mula kay Minister Abunawas L. Maslamama.
Layunin ng workshop na mapabuti ang pagsasaayos ng mga rekord at paggawa ng mga patakaran ng MAFAR, lalo na para sa Land Tenure Security Program (LTSP). Tinalakay din dito ang ilang mga hamon sa pagpapatupad ng mga reporma sa lupa, tulad ng kakulangan sa legal na basehan at hindi malinaw na mga patakaran.
Dumalo sa aktibidad ang mga opisyal ng Agrarian Reform Services at mga legal officer mula sa rehiyon at mga lalawigan. Binigyang-diin ni Minister Abunawas na ang mga proyekto at programa ay dapat isagawa ayon sa batas.
Aniya, “We mark another milestone in this journey as we deepen our collective understanding and strengthen our institutional capacities through capacity building for the Land Tenure Security Program and records reconciliation, with a strong focus on evidence-based policy formulation. Gradual reform is not merely a program.”
“It is a promise: a promise to our farmers, our landowners, and the generations to come. Yet we recognize that this promise faces complex challenges—outdated frameworks, overlapping mandates, policy gaps, and implementation barriers,” dagdag pa niya.
Ipinaliwanag naman ni Director General Kikay ang pangangailangan ng tuloy-tuloy na suporta, lalo na sa legal na aspeto at pagtatatag ng malinaw na mga patakaran.
“In undertaking policy formulation, we are guided by many existing legal bases that help us implement programs. However, we still need internal policies to move forward. While there are numerous DAR issuances related to program implementation, they are not always sufficient for us, because the national government’s environment is sometimes different from ours, even though we share the same legal foundation. That is why we need this policy formulation so that we can move forward,” pagbibigay diin nito.
Nagbigay naman si Atty. Rahyll S. Saga mula sa DAR Region XII ng lektyur ukol sa Evidence-Based Policy Formulation, at binigyang-halaga niya ang kasaysayan ng mga polisiya at ang papel ng mga tradisyunal na istruktura gaya ng Council of Elders sa Bangsamoro.
Tinalakay naman ni Director Joseph H. Orilla ang tungkulin ng Policy Review and Formulation Committee (PRFC) at ang kahalagahan ng bukas at konsultatibong proseso sa paggawa ng mga patakarang makatutugon sa pangangailangan ng mga benepisyaryo ng repormang pansakahan.
Sa pagtatapos, muling binigyang-diin ni Minister Abunawas na ang repormang pansakahan ay mahalaga upang makamit ang kapayapaan, seguridad ng mamamayan, at seguridad sa pagkain sa Bangsamoro. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)