
Atleta ng BARMM, Bumiyahe na Patungong Davao para sa Paghahanda sa Palarong Pambansa 2025

COTABATO CITY (Ika-2 ng Mayo, 2025) — Opisyal nang umalis patungong Davao City ang mga atleta, coaches, assistant coaches, at chaperones mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) noong ika-30 ng Abril bilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa nalalapit na Palarong Pambansa 2025 na gaganapin sa Ilocos Norte.
Ayon sa Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE), ang grupo ay sasailalim sa dalawang linggong in-house training mula ika-28 ng Abril hanggang ika-15 ng Mayo. Layunin ng aktibidad na ito na ihanda nang maayos ang mga atleta sa pamamagitan ng pisikal na pagpapalakas, maayos na pagsasanay, at pagpapatibay ng samahan ng buong koponan.
Sa pamamagitan ng masinsinang training, inaasahan ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education na magiging handa ang BARMM athletes upang makipagtagisan sa pambansang paligsahan sa larangan ng palakasan. (Hasna U. Bacol,BMN/BangsamoroToday)