Advertisement Section
Header AD Image

6,105 Estudyante sa BARMM, Sumabak sa 2025 BASE at BASE-Merit Qualifying Exams

(Litrato mula sa MOST-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-1 ng Mayo, 2025)  — Umabot sa kabuuang 6,105 na estudyante mula sa iba’t ibang bahagi ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang kumuha ng 2025 Qualifying Examinations para sa Bangsamoro Assistance for Science Education (BASE) at BASE-Merit scholarship programs.

Isinagawa ang pagsusulit mula ika-21 ng Abril hanggang sa unang linggo ng Mayo 2025.

Ang mga lumahok ay mula sa Cotabato City, Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, Special Geographic Area, Lanao del Sur, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi. Lahat sila ay naglalayong makuha ang isa sa 200 slots para sa BASE at 200 slots para sa BASE-Merit scholarship.

Ayon kay Dr. Rocaya G. Edres, Chief Science Research Specialist ng Science Education, Scholarships, and Grants Division (SESGD) ng Ministry of Science and Technology (MOST), mahalaga ang qualifying exam sa pagpili ng mga karapat-dapat na scholars.

“We are glad that many Bangsamoro students have been encouraged to take up science and technology courses and to take the qualifying examinations for the scholarship grants offered by the ministry,” ani Dr. Edres.

“These scholarship grants are a great help in enabling them to pursue their dreams of becoming the region’s future scientists, who can contribute to its economic growth,” dagdag nito.

Ang BASE at BASE-Merit ay layong kilalanin at suportahan ang mga estudyanteng may galing at potensyal sa larangan ng agham at teknolohiya. Sa qualifying exam, sinusukat ang kaalaman at kakayahan ng mga estudyante sa mga asignaturang may kaugnayan sa agham. Ang mga kukuha ng pinakamataas na marka ay dadaan pa sa karagdagang pagsusuri bago tuluyang gawaran ng scholarship.

Nagsimula ang BASE program noong 2020, habang inilunsad naman ang BASE-Merit noong 2022. Ngayong 2025, ito na ang ikalimang batch ng mga scholars ng programa.

Ang mga BASE scholars ay tatanggap ng buwanang allowance na PhP8,000, habang ang mga BASE-Merit scholars naman ay makakakuha ng PhP20,000 kada buwan. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Leadership and Governance Training ng MIPA, Nilahukan ng 50 Partisipanteng Lider ng mga Katutubo
Next post Bangsamoro Workers: CM Macacua Describes Them as the Backbone of Progress on Labor Day