
Leadership and Governance Training ng MIPA, Nilahukan ng 50 Partisipanteng Lider ng mga Katutubo

COTABATO CITY (Ika-1 ng Mayo, 2025) — Umabot sa 50 ang mga lumahok sa pagsasanay na kinabibilangan ng mga Indigenous Peoples Mandatory Representatives (IPMRs) at mga miyembro ng Tribal Council sa “Leadership and Governance Training” na may espesyal na sesyon tungkol sa Conflict Management and Conflict Resolution noong ika-28 hanggang ika-29 ng Abril.
Pinangunahan ito ng Ministry of Indigenous Peoples’ Affairs (MIPA) sa pangunguna ni Minister Timuay Melanio U. Ulama na pinangasiwaan ito ng Gender and Development (GAD) initiative sa pamumuno ng Deputy Minister at GFPS Chairperson na si Suadi C. Pagayao. Layunin ng programa na palalimin ang kanilang kaalaman at kakayahan sa pamumuno at maayos na pamahalaan sa mga komunidad.
Nagbahagi ng kanilang karanasan at kaalaman ang mga dalubhasang tagapagsalita sa programa upang makatulong sa mga lider ng katutubo na mas mapayapa at mas maayos na mapangasiwaan ang kanilang nasasakupan.
Ipinakita ng pagsasanay na ito ang patuloy na suporta ng MIPA sa mga lider ng katutubo tungo sa pagsusulong ng kapayapaan at mabuting pamamahala sa kanilang mga komunidad. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)