
MHSD, MP Lorena, Nagsagawa ng Groundbreaking para Training Center ng Boy Scouts sa Sulu

COTABATO CITY (Ika-15 ng Abril, 2025) — Sa pangunguna ni Member of Parliament (MP) Jose I. Lorena, isinagawa noong ika-3 ng Abril ang groundbreaking ceremony para sa ikatlong training center na itatayo sa lalawigan ng Sulu para sa Boy Scouts of the Philippines (BSP), sa tulong ng Ministry of Human Settlements and Development (MHSD), ang housing arm ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ang proyekto ay popondohan mula sa Transitional Development Impact Fund (TDIF) 2024 ni MP Lorena, na may kabuuang halagang mahigit PhP9 milyon. Itatayo ito sa loob ng Santanina Sports Complex, Barangay San Raymundo, Jolo. Pagkatapos nito, ay pormal na ibibigay sa BSP Council, na kinatawan ni Engr. Abdelnasser A. Adjaraie sa programa.
Ayon kay Atty. Najira S. Hassan, Provincial Director ng MHSD-Sulu na gagawin nila ang kanilang makakaya na makompleto ang proyekto sa lalong magaling panahon, “We will do our utmost to complete the project as soon as possible. All projects should be turned over and utilized, so that the effort of those who provide us with the projects are not wasted.”
Siya rin ang mangunguna sa pagsubaybay ng konstruksyon upang matiyak ang maayos na implementasyon.
Ibinahagi rin ni MP Lorena ang kahalagahan ng proyekto sa mga kabataan at mamamayan ng Sulu. “These projects can help in improving the knowledge and skills of those who are willing to learn and be of help too,” aniya.
Dagdag pa niya, una na ring naitayo at naiturn-over ang dalawang training centers sa lalawigan , ang isa sa MSU-Sulu Campus noong ika-5 ng Nobyembre 2024, at ang isa pa sa Sulu State College (SSC) Main Campus sa Capitol Site, Patikul noong ika-2 ng Agosto 2023.
Umaasa rin si Engr. Adjaraie na magiging matagumpay ang proyekto. “I hope this project will prosper, benefiting not only the Boys Scouts of Sulu, but every group in Sulu,” sabi niya sa ngalan ni BSP Council Chairperson Atty. Hussin U. Amin.
Ang USF Construction and Hardware Trading ang napiling kontratista na magpapatayo ng gusali.
Dumalo rin sa nasabing programa sina Mohammad Nur Alih, LGU-Jolo Consultant na kumatawan kay Jolo Mayor Hon. Kerhar S. Tan; Municipal Councilor Hussin “Ogie” Amin II; at Brgy. Kagawad Hon. Nurhakeem A. Uddin Jr. na kumatawan kay Brgy. Chairperson Hon. Nurhakeem A. Uddin. Naroon din ang mga kawani ng MHSD, kinatawan mula sa Bangsamoro Information Office, Radyo Pilipinas, at mga miyembro ng komunidad. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)