
Office Etiquette, R.A. 6713 Ibinahagi sa COS at Job Order Workers ng MDN

COTABATO CITY (Ika-14 ng Abril, 2025) — Isinagawa ang serye ng mga pagbabahagi ng kaalaman ukol sa Office Etiquette at Republic Act No. 6713 o ang “Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees” ng Maguindanao del Norte (MDN) noong ika-11 ng Abril, sa conference room ng Provincial Government Satellite Office.
Layunin ng aktibidad na mapataas ang kaalaman ng mga Contract of Service (COS) at Job Order workers ng Provincial Human Resource Management Office (PHRMO) sa wastong asal sa opisina at sa mga pamantayang etikal na inaasahan sa mga naglilingkod sa bayan. Kabilang sa mga tinalakay ang tamang pag-uugali sa opisina, propesyonalismo sa pakikitungo sa publiko, pagiging maagap sa trabaho, at iba pang mga kaugnay na paksa.
Plano ng PHRMO na ipagpatuloy ang ganitong mga gawain sa iba’t ibang departamento bilang bahagi ng kanilang pinalawak na programang pang-propesyonal na pag-unlad. Ito ay patunay ng kanilang pangakong bumuo ng isang maabilidad, may pagpapahalaga, at tapat na hanay ng manggagawa sa serbisyo publiko. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)