‘Infra Project’ sa Tawi-Tawi, itatayo ng MAFAR-BARMM

(Litrato mula sa MAFAR-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-8 ng Abril, 2025) — Nagdaos ng isang preconstruction conference sa Bongao, Tawi-Tawi, para sa mga paparating na proyekto sa Munisipyo ng Tandubas. Kabilang sa mga proyekto ang tatlong fish landing na may concrete footbridges at isang potable water system level II noong ika-7 ng Abril.

Pinangunahan ang nasabing pagpupulong ni I-BUILD Specialist Engr. Michael Anggol at Assistant Municipal Engineer ng LGU Tandubas na si Jalali Mustapha. Dumalo rin ang mga pangunahing stakeholder, kabilang na ang Tasmeer Construction at ALMS Construction, upang talakayin ang mga detalye ng pagpapatupad ng mga proyekto.

Ang mga proyektong ito ay kinabibilangan ng konstruksyon ng Taruk Fish Landing na may Concrete Footbridge, konstruksyon ng Brgy. Baliungan Fish Landing na may Concrete Footbridge, konstruksyon ng Lahay-Lahay Fish Landing na may Concrete Footbridge, Konstruksyon ng Butun Potable Water System Level II.

Layunin ng preconstruction conference na matiyak ang kalidad, oras ng pagsasagawa, at tagumpay ng mga proyektong ito, na inaasahang makikinabang ang mga residente ng Tandubas. Magdudulot ang mga proyektong ito ng mas pinahusay na access sa mga pangunahing serbisyo at magpapalago ng ekonomiya sa lokalidad.

Ayon kay Engr. Anggol, “The primary objective of this preconstruction conference is to assess the technical and economic viability of these infrastructure projects, identify potential challenges, and develop strategies to address them, ensuring that we deliver projects that truly benefit the community.”

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng mga pagsisikap ng PRDP Regional Project Coordination Office BARMM upang matiyak na ang mga proyekto ay tutugon sa mga pangangailangan ng lokal na komunidad at makakatulong sa paglago ng ekonomiya sa rehiyon. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Project TABANG: Tulong para sa Kalusugan, Kabuhayan, at Humanitarian Services sa Bangsamoro
Next post Salam Homes Affordable Housing Program ng MHSD maaaring makinabang ang Empleyado ng MPW