Project TABANG Nagbigay ng 640 Iftar Meals sa Maguindanao del Norte

(Litrato mula sa Project TABANG-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-28 ng Marso, 2025) — Ang Project TABANG ay nagbigay ng kabuuang 640 iftar meals na naka-pakete sa mga masjid sa Datu Odin Sinsuat at Talitay, Maguindanao del Norte.

Ang mga sumusunod na masjid ay tumanggap ng FAST (Food Assistance for Sustenance and Treatment) mula sa Project TABANG ay ang Datu Odin Sinsuat: Masjid Datu Magudatiman sa Barangay Bito, Masjid Pasig sa Barangay Pasig, Masjid Gubat at Masjid Said pawang nasa sa Barangay Gubat.

Samantala sa Talitay ay Masjid Embang, Masjid Al-Amdam, Markadz Amiril.

Ang mga iftar meals ay ipinamamahagi sa mga lugar na ito upang matulungan ang mga kababayan nating nag-aayuno sa buwan ng Ramadan. Ang proyekto ay patuloy na nagbibigay suporta sa mga komunidad sa ilalim ng pamumuno ng Bangsamoro Government. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MBHTE Distributes Food Items in Celebration of Eid al-Fitre
Next post Message of Minister Mohagher Iqbal on 11th Anniversary of the CAB