401 Iskolar sa Sulu, Nabigyan ng MBHTE-TESD 2025 Bangsamoro Scholarship Program

(Litrato mula sa MBHTE-TESD)

COTABATO CITY (Ika-26 ng Marso, 2025) — Ipinagkaloob ang Bangsamoro Scholarship Program sa 401 na iskolar sa loob ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education-Technical Education and Skills Development (MBHTE-TESD) sa lalawigan ng Sulu noong ika-16 hanggang ika-20 ng Marso. Ang mga iskolar ay nakatanggap ng pagkakataon na mag-aral at magsanay sa iba’t ibang kurso sa ilalim ng Technical Vocational Education and Training (TVET).

Ayon sa MBHTE-TESD, ang mga kursong inaalok ay nahahati sa mga sumusunod na larangan:

Agricultural Crops Production NC II – 25 iskolar, Bread and Pastry Production NC II – 75 iskolar, Carpentry NC II – 25 iskolar, Computer System Servicing NC II– 25 iskolar, Cookery NC II – 50 iskolar, Electrical Installation and Maintenance NC II – 25 iskolar, Housekeeping NC II– 26 iskolar, Organic Agriculture Production NC II – 25 iskolar, Plumbing NC II – 25 iskolar, Shielded Metal Arc Welding NC I– 25 iskolar, Shielded Metal Arc Welding NC II – 25 iskolar, Shielded Metal Arc Welding NC III – 25 iskolar, Technical Drafting NC II – 25 iskolar.

Ang mga iskolar ay magsasanay sa mga sumusunod na training center sa Sulu ay  Aisha’s Technological Institute, Inc.,  Arsash Learning Skills Center, Inc., Computer Graphics Learning Center of Sulu,  ILM Center, Inc., Parang Technological Training Center, Provincial Livelihood Training and Productivity Center, Skill Empowerment Learning Center, Inc.,  Sulu College of Technology.

Ang TESD Sulu ay patuloy na nagsusumikap na matugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan ng Sulu sa pamamagitan ng mga programang tulad ng scholarship. Upang matiyak na nauunawaan ng mga iskolar ang kanilang mga tungkulin at mga benepisyo, isinagawa ang Training Induction Program (TIP). Layunin ng TIP na ipaliwanag sa mga iskolar ang mga alituntunin ng programa, hikayatin silang tapusin ang kanilang training ng buo, at ipabatid sa kanila ang mga benepisyo ng scholarship.

Dumalo sa nasabing programa si MBHTE TESD Sulu Provincial Director Glenn A. Abubakar, kasama ang TESD Sulu Staff na pinangunahan ni G. Marcial L. Nadjiri, mga administrador ng mga TVIs, mga registrar, at mga trainers ng TVET.

Patuloy ang pagsuporta ng TESD Sulu sa mga iskolar upang mas mapabuti ang kanilang mga kasanayan at magkaroon ng mas magandang oportunidad. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Isang Tanggapan ng ICRC sa Rafah, Tinamaan ng Bomba
Next post 80 Kababaihan sa Basilan, Nagtipon para sa BABAE Summit; Tumanggap ng Oryentasyon hinggil sa BEC at BLGC