BARMM Government Opisyal na Itinurn-over ang 25 Solar-Powered  Streetlights sa Tamparan, LDS

(Litrato mula sa service online provider ng BMN/BangsamoroToday)

COTABATO CITY (Ika-15 ng Marso, 2025)—Pormal na tinurn-over ni Member of Parliament (MP) Diamila Disimban-Ramos, katuwang ang Ministry of Public Works (MPW), ang 25 bagong solar-powered streetlights noong ika-6 Ng Marso sa Barangay Talub, sa bayan ng Tamparan, Lanao del Sur.

Ang proyektong ito ay layuning mapabuti ang kaligtasan at seguridad ng publiko, partikular na makikinabang ang mga kababaihan, kabataan, at iba pa.

Pinondohan sa ilalim ng 2023 Transitional Development Impact Fund (TDIF) ni MP Diamila D. Ramos, ang pag-install ng solar streetlights sa mga liblib na lugar ay bahagi ng mas malaking hakbang ng Bangsamoro Government upang magbigay ng napapanatiling imprastruktura, mapabuti ang visibility sa gabi, at mapigilan ang krimen sa mga komunidad na hindi gaanong nakakatanggap ng tulong.

Sa mensahe na  ipinahayag ni MP Disimban-Ramos, na inihayag ni Samsodin Sigayan, Political Affairs Officer III ng kanyang opisina, aniya “Bilang Chairperson ng Committee on Women, Youth, Children, and Persons with Disability, mahalaga sa akin na ang mga programa at proyekto natin ay may direktang epekto sa pang-araw-araw na buhay ng ating mgakababayan, lalo na ang mga kababaihan.”

Hindi ito ang unang proyekto ng kaunlaran na pinangunahan ni MP Disimban-Ramos para sa Barangay Talub. Noong Marso 2022, siya rin ang nag-turnover ng isang multi-purpose building para sa mga kababaihan at farmer cooperative, na nagbibigay ng espasyo para sa mga aktibidad pangkabuhayan at mga pagtitipon ng komunidad.

Binigyang-diin ni Tamparan Municipal Mayor Mohammad Juhar Disomimba, na kinatawan ni Municipal Engineer Samiya Macadadaya, ang kahalagahan ng mga bagong streetlights para sa mga residente ng bayan.

“It is my belief that these new streetlights will not only illuminate our roads but also spark greater engagement, bolster community spirit, and contribute to a sense of pride in our surroundings,” anya pa.

Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, patuloy ang pagtutok ni MP Disimban-Ramos at ng Bangsamoro Government sa inklusibong kaunlaran, na tinitiyak na ang mga rural na komunidad ay magkakaroon ng access sa mga pangunahing imprastraktura na nagsusustento ng kaligtasan at pag-unlad. (USM  BSIR OJT Student: Bai Onamayda P. Dilanggalen, BMN/Bangsamoro Today)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Ramadhan Outreach Program ni MP Antao, Nakarating na sa mga Imam at Iba pang Sektor
Next post Alalahanin ng Kababaihan at ang Kanilang mga Tungkulin sa Panahon ng Ramadhan, Pinag-usapan sa Episode 4 ng programang Diwa ng Ramadhan, Bahagi ka Muslimah