Philippine Airlines nag-remit ng halos P1-M sa BARMM mula sa nakolektang DPSC

Awang Airport, DOS, Maguindanao del Norte, BARMM


COTABATO CITY (March 15, 2023) — Ipinadala ng Philippine Airlines (PAL) noong Marso a Syete (7) sa Bangsamoro Treasury Office (BTO) ng Ministry of Finance, Budget and Management (MFBM) Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang kauna-unahang Domestic Service Passenger Service Charge (DPSC) na nagkakahalaga ng kabuuang P928, 935.00.

Ang passenger terminal fee na P150.00 bilang DPSC na ipinapataw sa mga tiket na binili para sa mga pasahero na umaalis sa mga paliparan ng rehiyon at kinokolekta ng bawat kompanya ng mga eroplano.

Sinabi ni PAL Sales Manager Delfin Tubera, Jr.,
na ang Philippine Airlines ay ibinigay ang nakolektang DPSC simula ika-1 hanggang 31 ng Enero ngayong taong 2023.
 
“We are keeping our commitment as a partner of the Bangsamoro Autonomous Region in bringing progress by supporting and providing airport transport service,” pahayag ni Tubera, Jr. sa wikang English.
 
Iginawad ng PAL ang tseke sa Ministry of Transportation and Communications (MOTC) Minister Paisalin Tago at Deputy Minister Roslaine Maniri, MFBM Deputy Minister Amilbahar Amilasan Jr., at Bangsamoro Treasurer Naila Dimaraw.
 
Ang remittance ng DPSC ay alinsunod sa Memorandum of Agreement (MOA) na nilagdaan ng MOTC at PAL sa pagsasama ng mga ticket na binili para sa mga flight na aalis sa mga paliparan na pinamamahalaan ng Bangsamoro Airport Authority (BAA) ng MOTC.

Alinsunod dito, itinatadhana ng memorandum na dapat ipadala ng PAL ang koleksyon ng DPSC nito sa BTO, sa ilalim ng mga nauugnay na probisyon ng Bangsamoro Administrative Code.
 
Samantala, iniulat ng MFBM na ang MOTC ay isa sa mga Ministry na gumagawa ng mataas na kita sa BARMM, na umaabot sa kabuuang P87.1 milyon na nai-remit sa BTO para sa taong 2022.

Sinabi ni Treasurer Dimaraw na ang mga koleksyon ng mga bayarin at singilin mula sa iba’t ibang sektoral na tanggapan ng MOTC, na kinabibilangan ng Land Transportation Office, Bangsamoro Maritime Industry Authority, Bangsamoro Ports Management Authority, at Bangsamoro Telecommunications Commission, ay nagbibigay sa kanila ng lubos na pag-asa sa hinaharap.
 
“Congratulations on your hard work in reaching this milestone.  I am hoping that with this additional collection of DPSC, your revenue will be higher from what you have achieved in 2022 to this year 2023,” sabi ni Dimaraw.
 
Sa kabilang banda, ipinahayag ni MFBM Deputy Minister Amilasan, Jr. ang kanyang pagpapahalaga at sinabi “Indeed this is a very significant activity, not just to us in attendance today, but for the whole Bangsamoro since this is the first remittance of our partner from the Philippine Airlines of the Domestic Service Passenger Service Charge.” ### (Usop M. Manggamanan/BMN-USM BSIR Intern/BangsamoroToday, Litrato kuha ni Tu Alid Alfonso)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Muslim youth group conducts ‘Welcoming Ramadhan Symposium’
Next post MBHTE turns-over P22-M school building in Lamitan City