“Gob. Sam” Pinangunahan ang Kapayapaan at Kaayusan sa MDN na Mahalaga sa Kaunlaran

(Litrato mula sa Provincial Government of Maguindanao del Norte FB Page)

COTABATO CITY (Ika-27 ng Pebrero, 2025)—Binibigyang-diin ni Gobernador Abdulraof “Gob Sam” Macacua ang kahalagahan ng kapayapaan at kaayusan sa Maguindanao del Norte para sa ikabubuti at pag-unlad ng mga komunidad. Ginawa niya ang pahayag na ito sa ginanap na 1st Quarter Peace and Order and Public Safety Cluster Meeting noong ika-24 ng Pebrero sa Cotabato City.

Ayon kay Gob. Sam, malaki ang papel ng pamahalaang panlalawigan at ng mga katuwang nito sa kapayapaan upang mapanatili ang kaayusan sa isang rehiyong dati nang dumaan sa mga kaguluhan.

“As a region historically affected by conflicts, the establishment of a peaceful and orderly environment fosters economic growth, social stability, and improved governance,” ani ng gobernador.

Ipinaliwanag din niya na kung may kapayapaan, mas ligtas at mas maayos ang pamumuhay ng mga tao. Dahil dito, mas malaya silang makapaghanapbuhay, makapagtayo ng negosyo, at mabigyan ng edukasyon ang kanilang mga anak.

“Prevailing peace is the foundation for stability and progress, allowing communities to grow, prosper, and thrive in an environment free from fear and conflict,” dagdag pa niya.

Nagpasalamat din si Gob. Sam sa mga katuwang sa kapayapaan na patuloy na sumusuporta sa pagpapanatili ng kaayusan sa lalawigan.

“By working together, Maguindanao del Norte’s peace partners help create an environment of trust, understanding, and cooperation, ensuring that peace efforts are inclusive, effective, and long-lasting. Their collective action is key to overcoming challenges and building a harmonious society,” aniya.

Ang naturang pagpupulong ay isinagawa upang palakasin ang mga lokal na mekanismo sa pag-iwas at pagtugon sa karahasang may kaugnayan sa halalan. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MILG, Namahagi ng P3.459M SGLG Incentive Fund sa Tatlong LGU sa Maguindanao del Sur