UNYPAD Nagsagawa ng Islamic Leadership Seminar-Workshop sa Kulliyyah Student Chapter sa MDS

(Litrato mula sa UNYPAD)

COTABATO CITY (Ika-26 ng Pebrero, 2025)—Matagumpay na isinagawa ng United Youth for Peace and Development, Inc. (UNYPAD) – Kulliyyah Student Chapter ang ikalawang yugto ng kanilang seminar-workshop on Islamic Leadership noong ika-23 ng Pebrero, sa Kulliyyah Conference Hall, Bangsamoro Kulliya for Islamic Studies (BKIS) former REMACADEMY, Buluan, Maguindanao del Sur.

Layunin ng seminar na hubugin ang kakayahan sa pamumuno ng mga mag-aaral ayon sa mga aral ng Islam. Sa kanyang pambungad na mensahe, ipinaalala ni Akmad S. Musa, Provincial Chairman ng UNYPAD Maguindanao Cluster-3, ang malaking oportunidad na makasama sa UNYPAD, isang organisasyong may malinaw na adhikain.  

“You are fortunate to be here with UNYPAD, as we are dedicated to empowering the youth and shaping future leaders,” ani Musa.  

Isa sa mga pangunahing tagapagsalita sa seminar si Nasrullah M. Abdullah, Executive Director ng UNYPAD-DMC, na nagbigay ng mahalagang pananaw tungkol sa pagiging epektibong lider sa Islam. Binigyang-diin niya na mahalaga ang karunungan sa pag-iisip, husay sa paghikayat ng iba, at kakayahang gampanan ang tungkulin bilang lider.  

“Leadership is an activity of influencing others to strive willingly to achieve group or organizational goals,” paliwanag ni Abdullah.  

Nagbigay rin ng mensahe si Engr. Tilon Guiapal mula sa Office of Student Affairs, kung saan kanyang ipinahayag ang patuloy na pagsuporta sa pagpapaunlad ng kakayahan ng mga estudyante.  

“We are always eager to engage in activities that enhance student leadership. Numerous educational modules from UNYPAD are available for our organization members to learn from and grow,” sabi ni Guiapal.  

Sa pagtatapos ng programa, ginawaran ng sertipiko ng pagkilala ang mga kalahok at ang tagapagsalita bilang pagpupugay sa kanilang pagsisikap na palakasin ang liderato ng kabataan sa rehiyong Bangsamoro. (Hasna U. Bacol,BMN/BangsamoroToday)nd grow,” sabi ni Guiapal.

Sa pagtatapos ng programa, ginawaran ng sertipiko ng pagkilala ang mga kalahok at ang tagapagsalita bilang pagpupugay sa kanilang pagsisikap na palakasin ang liderato ng kabataan sa rehiyong Bangsamoro. (Hasna U. Bacol,BMN/BangsamoroToday)

https://www.facebook.com/100064724976804/posts/pfbid0UZhWJb9oyDa91MbHkqT8FFmK1ourzTsWgfCqJ3qVntxHkxPTtR5f9RZQQQbgN9EMl/?app=fbl

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Private Madrasah sa BARMM, Tumanggap ng Government Subsidy mula sa MBHTE
Next post MILG, Namahagi ng P3.459M SGLG Incentive Fund sa Tatlong LGU sa Maguindanao del Sur