UBJP Regional Headquarters Nagpasalamat sa mga Volunteers sa Year-End “Kanduli”
COTABATO CITY (Ika-21 ng Disyembre, 2024) — Pinangunahan ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP) ang isang taunang “Kanduli” bilang pasasalamat sa mga volunteer, miyembro, at tagasuporta sa patuloy na tagumpay at pagsulong ng adhikain ng Bangsamorona ginanap araw ng Biyernes, ika-20 ng Disyembre sa UBJP Regional Headquarters, Tamontaka 1, Cotabato City.
Ang pagtitipon ay dinaluhan ng mga kalalakihan, kababaihan, kabataan, at iba’t ibang sektor na nagsilbing haligi ng UBJP bilang isang tunay at makabuluhang partidong pampulitika sa Bangsamoro region. Sa nasabing okasyon, binigyang-diin ng mga lider ang kahalagahan ng pagkakaisa, dedikasyon, at ang patuloy na laban sa larangan ng pulitika para sa tuloy-tuloy na kapayapaan at pag-unlad ng Bangsamoro.
Sa talumpati ni Nasserudin Dunding, Assistant Secretary to the Party President, Office of the Party President UBJP- Regional Headquarters, kung saan inihayag nito ang pagkilala sa konteibusyon ng bawat isa sa tagumpay ng Moro Islamic Lieration Front (MILF) political party na UBJP.
“A special note of appreciation goes to the remarkable team of the UBJP headquarters staff. Your unflagging efforts in ensuring the success of our political activities as well as the smooth day-to-day operations have been nothing short of exceptional,” pahayag in Dunding.
“From the planning and execution of major initiatives to the behind scenes work that often goes unnoticed, you have been the backbone of our success. Our passion, our vision and drive have slayed a crucial role in strengthening our position and furthering our mission. As we look back on the milestones we’ve achieved together from political campaigns to community outreach and everything in between,” dagdag pa nito.
Nagbigay din ng Islamic Wisdom si Sheikh Esmail Ebrahim sa nasabing kaganapan. “Kung hindi ako nagkakamali , ang ating mga ninunu, sila ay nagtanim,..sa tinanim ng ating ninunu ngayon ay natikman na natin, awit ng Bangsamoro Hymn, natikman na natin kaya Alhamdulillah Alhamdulillah, Bangsamoro Pagpalain,” anya.
Sa pagbibigay naman ng keynote speach ni BTA Member of Parliament, Ali Salik, ay ipinunto nito ang kahalagahan ng pagpapagulou ny Bangsamoro struggle sa pamamagitan ng demolratikong pamamaraaan. “So ngayon ay ang pinag-uusapan natin ngayon ay bunga ng ating struggle at continuation din ng ating struggle dito. Dahil ang hinangad natin sa struggle natin ay upang magkaroon tayo ng sariling gobyerno, na sa ngayon ay natamasa natin, nakuha natin yun, pero ang inaasahan natin na gobyerno ay ito, Parliamentary form of government.”
Nagbigay din ng message support si UBJP Vice President for BaSulTa and Zamboanga at Member of Parliament Matarul Estino.
“Ang nakikita nyo ngayon na oportunidad, ito ay dahilan sa pagkakaisa, tiwala po ang ating mga leaders kung saan, kung patuloy nating ginagawa ayun sa ikabubuti ng ating mamamayang Bangsamoro, Inshaallah po, nawa’y patnubayan tayo ni Allah na makamit natin itong ating struggle.”
Dagdag pa nito, “Natutuwa po kami na kahit na exclude na ang province (Sulu) namin sa BARMM, nandito pa din kami kasi alam namin, nakikita namin, at nararamdaman namin, kung paano nyo kami kino-consider bilang kapatid sa Islam.”
Ayon naman kay Bai Sandra Sema, Ina ng Bangsamoro Organic Law (BOL), “The bond of brotherhood cannot be cut simply by law because the bond of brotherhood among moros started with the waging of war from all colonizers. So hindi ho batas ang pwede magpa hiwalay-hiwalay sa ating mga moro,” ipinunto ang ginawa ng korte suprema sa pagpapahiwalay nito sa Sulu mula sa BARMM.
Samantala, hinikayat ni Johair Madag kabilang sa tinatawag na Big 5, na tumatakbong bise alkade ni Mayir Bruce Matabalao dito sa lungsod, ang mga miyembro ng UBJP na palakasin ang grassroots na pagkilos sa pamamagitan ng edukasyon ng mga botante at aktibong pakikilahok sa mga proseso ng eleksyon.
“Iniwan namin yung self-interest na mas nangibabaw sa amin,” kapalit anya ng kolektibong prinsipyo para sa kapakanan ng Bangsamoro, “yung prinsipyo namin na manalo yung “YES” sa Cotabato City para sa pang matagalang pang kapayapaan ng buong BARMM,” ayon sa kanya.
Ang UBJP Year-End Kanduli ay naging simbolo hindi lamang ng pasasalamat para sa mga nakaraang tagumpay kundi pati na rin ng muling pagtatalaga sa kolektibong hangarin para sa kapayapaan, progreso, at sariling pamamahala sa Bangsamoro. (Sahara A. Saban, Mohamiden G. Solaiman, BMN/BangsamoroToday)