Markadz sa Maguindanao del Sur, Tumanggap ng Tulong mula sa Project TABANG

(Litrato Mula sa Project TABANG)

COTABATO CITY (Ika-13 ng Nobyembre, 2024)— Sa ilalim ng Humanitarian for Orphanages, Markadz, Elderlies, and with Special Needs (HOMES) Program ng Office of the Chief Minister Ahod “Al Haj Murad” Ebrahim, matagumpay na naihatid ng Project TABANG ang tulong sa pitong markadz sa bayan ng Kaya-Kaya, Datu Abdullah Sangki (DAS), Maguindanao del Sur noong Martes, ika-12 ng Nobyembre.

Umabot sa 41 sako ng bigas na may timbang na tig-25 kilo bawat isa, kasama ang mga food packs na naglalaman ng pitong kahon ng de-lata, 14 na kahon ng noodles, pitong kahon ng gatas na pulbos, limang sako ng asukal na tig-5 kilo, at limang galon ng mantika.

Kabilang sa nabigyan ang Markadz Arrakshoon Dam, Markadz Duha Nunangen, Markadz Darusalam for Qur’an and Sunnah, Markadz Izra, Markadz Edzrael, Markadz Forqan Linamonan, Markadz Zunaylah.

Ayon sa organizer ng programa ay patuloy ang pag-abot ng Project TABANG sa mga komunidad na nangangailangan ng tulong sa ilalim ng mga programang naglalayong mapabuti ang buhay ng mga Bangsamoro. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post 29th Senate Plenary Session, Tinalakay ang 2025 Badyet ng Bangsamoro Region
Next post Sabayang Pagtatanim ng Punongkahoy sa MDN, Isinagawa ng PDRRMO