MBHTE, Maglalaan ng Mas Mataas na Badyet para sa Pagpapabuti ng Kalidad ng Edukasyon sa 2025

(Litrato mula sa MBHTE)

COTABATO CITY (Ika-7 ng Nobyembre, 2024)— Inaprubahan ng Committee on Finance, Budget and Management ang panukalang badyet ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) para sa Fiscal Year 2025 mula PhP32.14 bilyon patungong PhP32.70 bilyon.

Sinabi ng MBHTE na kasama sa badyet na ito ang karagdagang PhP230 milyon na susuporta sa iba’t ibang inisyatiba ng ministry sa edukasyon.

Ang malaking bahagi ng pondo ay nakalaan upang pagandahin ang kalidad ng mga programa sa edukasyon, madaris, mas mataas na kalidad at teknikal na edukasyon sa buong rehiyon.

Kabilang dito ang mga pondo para sa mga guro, partikular sa Islamic Studies and Arabic Language (ISAL), paglinang ng kurikulum, pagpapabuti ng mga pasilidad, at pagpapalawak ng access sa mga scholarship at iba pang rekurso sa edukasyon.

Mas lalo pang palakasin ng MBHTE ang mga programang teknikal at bokasyonal na pagsasanay o Technical and Vocational Education and Training (TVET).

Ipinahayag ni Minister Mohagher Iqbal ang kanilang dedikasyon na mapabuti ang kalidad ng edukasyon para sa mga mag-aaral, matugunan ang kanilang mga pangangailangan, at bigyang-priyoridad para sa matagumpay na edukasyon.

Bagamat nakuha na ng panukalang badyet ang inisyal na pag-apruba, magkakaroon pa ng masusing pagsusuri sa mga darating na plenary deliberations upang matiyak ang epektibo at episyenteng paggamit ng mga pondong ito.

Layunin ng karagdagang pondo na paunlarin ang mga programa sa edukasyon, pasilidad, at serbisyo sa iba’t ibang sektor sa ilalim ng MBHTE. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post IDPs ng Marawi Siege, Nakatanggap ng Emergency Shelter Assistance mula sa BARMM Gov’t.
Next post 25 Bagong Trainees ng Cotabato City Manpower Development Center, Sumailalim sa Training Induction Program ng MBHTE-TESD