MBHTE ipinanukala ang badyet para sa FY 2025 sa Committee on Finance, Budget, and Management
COTABATO CITY (Ika-6 ng Nobyembre, 2024) — Ang Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) ay ibinahagi ang panukalang badyet para sa Fiscal Year 2025 sa Committee on Finance, Budget, and Management, na pinamumunuan ni Deputy Floor Leader at Member of Parliament (MP) Atty. Mary Ann Arnado na ginanap sa SKCC Session Hall kahapon.
Ayon sa MBHTE, ang panukalang badyet ay sumasalamin sa patuloy na pangako ng MBHTE sa pagpapalakas ng sektor ng edukasyon sa buong rehiyon, pagtugon sa mga kasalukuyang hamon, at paghahanda para sa hinaharap na mga pangangailangang pang-edukasyon.
Ang 2025 na badyet ay nagbabalangkas ng mga pangunahing priyoridad, kabilang ang pagpapalawak ng mga kaugnay na programa at kurso na idinisenyo upang bigyan ang mga mag-aaral ng mahahalagang kasanayan at mag invest sa iba pang mga serbisyong pang-edukasyon.
Sinabi ng MBHTE na ang pagpupulong na ito ay ang unang araw ng mga talakayan, na nagbibigay ng plataporma para sa transparency at pagtiyak na ang mga hakbangin sa edukasyon ng MBHTE ay naaayon sa mga pangmatagalang layunin sa pag-unlad.
Noong FY 2024 ay ipinanukala ng MBHTE ang PhP30.231 billion para sa Personnel Services, Learning Services kasama ang Madaris Education Services, Infrastructure projects, Scholarship Programs, at iba pang mga inisyatiba.
Samantala, magpapatuloy ang deliberasyon ngayong araw ng Miyerkukes upang higit pang masuri ng komite ang iminungkahing badyet. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)