Pandaigdigang Protesta humihimok sa Israel na itigil ang Digmaan sa Gaza at Lebanon, isinagawa sa iba’t ibang panig ng Mundo
COTABATO CITY (IKa-7 ng Oktubre, 2024) — Libu-libong mamamayang Turkish sa bansang Turkey, araw ng Linggo, ang nanawagan ng tigil putukan at Gaza iligtas sa walang humpay na pambobomba ng mga sundalo ng Israel na ikinamatay ng mahigit 41,825 Palestinians, karamihan sa kanila ay mga sibilyan sa Gaza eksaktong isang taon na ngayong araw ang nakalipas mula noong ika-7 ng Oktubre, 2023 nang sumiklab ang digmaan, ayon sa ulat ng health ministry ng kinubkob na Gaza, Palestine.
Sa Washington, mahigit isang libong nagprotesta ang nag demonstrate sa labas ng White House, kung saan marami ang humihiling na wakasan ang militar ng US at iba pang tulong sa estratehikong kaalyado nito, ang Israel.
Sa Jakarta, Indonesia naman ay mayroong higit sa 1,000 pro-Palestinian na nagpoprotesta na nagtipon sa labas ng embahada ng Estados Unidos, na humihiling na ang Washington, ang nangungunang tagapagtustos at kaalyado ng militar ng Israel, ay itigil na sa pagpapadala ng mga armas sa Israel.
Sa Pilipinas, nanawagan ang UNYPAD sa pamamagitan ni Dats Magon, ang tagapagsalita ng grupo, sa internasyonal na komunidad na itigil ang kampanya ng genocide sa Gaza na ang tinatarget ay kababaihan, kabataan, at mga bata.
Samantala, nanawagan na rin si French President Emmanuel Macron ng tigil putukan sa Gaza at Lebanon at iminungkahi ang politikal na solusyon kasama dito ang pag-embargo sa supply ng mga bansa ng armas sa Israel na ikinadismaya naman ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)