MBHTE-BARMM Nagsagawa ng Groundbreaking ng Peace Center sa MSU-Sulu
COTABATO CITY (Ika-2 ng Oktubre, 2024) — Isinagawa ang groundbreaking ceremony para sa isa pang Peace Center Building sa Mindanao State University-Sulu noong ika-21 ng Setyembre na matatagpuan sa Brgy. Bangkal Capitol Site, Jolo, Sulu.
Ang proyektong ito ay may pondong PhP4,899,954.84 mula sa Transitional Development Impact Fund o TDIF Fiscal Year 2023.
Ang layunin ng Peace Center na itatayo sa Jolo, ayon pa sa MBHTE ay magbigay ng isang ligtas na lugar para sa diayalogo para sa kapayapaan, partikular sa mga lugar na apektado ng kaguluhan. Kasama dito ang hangarin na mawaksan ang mga karahasan at pagtugon sa mga suliraning panlipunan sa rehiyon.
Ang proyektong ito ay mahalagang hakbang tungo sa pagpapalaganap ng kapayapaan sa Mindanao, lalo na sa mga lugar na matagal nang apektado ng sigalot. Hinihintay ng mga komunidad ang positibong epekto ng mga itatayong pasilidad sa pagtutulungan at pagkakaisa ng mga grupo sa rehiyon Lalo na sa lalawigan ng Sulu. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)