‘Social Movement’ sentro ng MILF Consultative Meeting at General Assembly

MILF Chairman Alhaj Murad Ebrahim at MILF Peace Implementing Panel Chair Mohagher Iqbal, sinagot ang mga katanungan ng media sa isinagawang Press Conference na sumentro sa social movement transformation ng MILF mula sa pagiging Islamic rebolusyonaryong grupo. (Litrato kuha ni Saddam A. Tambungalan, BMN/BangsamoroToday)

COTABATO CITY (Ika-23 ng Setyembre, 2024) – Isinagawa ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang kanilang Consultative Meeting at General Assembly na may temang “Transforming MILF into a Social Movement: The Most Viable Option in a Democratic Struggle” na dinaluhan ng mahigit 300,000 ka-tao na ginanap ngayong Lunes, Setyembre 23 sa Camp Darapanan, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte, na pinangunahan ng Chairman ng MILF, Party President ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP), at Chief Minister ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), Hon. Ahod “Alhaj Murad” B. Ebrahim.

Binigyang-diin ni MILF Chairman Ebrahim ang pangangailangan ng patuloy na kahandaan sa kanilang laban. “Kailangan hanggang ngayon ay ready pa rin tayo sa hard struggle, although gaya ng nasabi kanina, na mag transform na tayo into a social movement pero yung struggle pa rin natin ay nandyan pa rin.” “Maraming beses na sinabi namin na, the hardest struggle is against ourselves, if we allowed ourselves to be divided, then we will never be successful; and confident that this transformation of MILF, into social movement will ultimately unite us all inshaAllah.”

Dagdag pa nito, “Kailangan natin na ma-ensure na we are all united, let us protect for each other… let us defend each other, let this legitimate social and political struggle strengthen our collective identity as the Moro Islamic Liberation Front and organization that has turned into a social movement, that favors peace and democracy because it is the best and the only option.”

Pinaalala naman ni Mohagher M. Iqbal, Chairperson ng MILF Peace Implementing Panel, ang kahalagahan ng kaliwanagan sa kanilang misyon, na nagsasabing habang nagbabago ang mga pamamaraan, mananatili ang mga pangunahing prinsipyo ng kanilang laban.

“Dapat klarong-klaro sa ating lahat kasi kahit na inabot natin itong yugto ng struggle po natin, pero basically kung ano yung pinaglalaban natin sa panahon ng giyera, panahon  ng negotiation, panahon na inabot natin ito, yun pa rin po ang nababago lang po yung messaging at paano po ang mga programa,” ani Minister Iqbal.

“P’d transform e MILF, bembaluy sa social movement, na nya nin mana na di tanu den makagamit sa armas, kagina naypus e kapinggamit sa armas. Nakapag negotiate tanu sa naka sapulo pito lagun, na p’bpirman tanu su Comprehensive Agreement on the Bangsamoro, su nakadalem sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro na nya nin mana na sekitanu na b’g transform su MILF,  b’g transform su mga combatants tanu, sa nya nin mana mabaluy a social movement su MILF,” pahayag ni Iqbal sa wikang Magindanaon.

“Su mga combatants tanu na k’na nya nilan  nasisita na s’g’dan su mga sinapang tanu ka sya den kanu ukit na kabaluy nilan a mapya taw enggu inged tanu na nya nin mana na b’dtuntul sa kitab,” dagdag nito.

“No more use of weapons o pwersa, hindi na tayo gagamit ng pwersa o armas, ang gagamitin natin dito ay yung mapayapang paraan, yung BOL  isusulong po natin yan kung ano ang kulang dyan sisikapin po natin na tutuparin po ng gobyerno ng Pilipinas,” pagbibigay diin ni Iqbal.

Samantha, binibigyang-diin ni MP Mohammad S. Yacob ang pangangailangan ng matibay na pagkakaisa upang mapanatili ang kanilang mga nakamit.

“Kailangan natin ang unity, very strong na unity because no alternative na makuha natin, ma’ maintain natin yung anong narating natin ngayon kung magwatak-watak po tayo. Da ka salig sa kap’d, salig ka sa ginawa, Bangsamoro, salig ka sa MILF, daka s’malig sa di k’na MILF, Allahu Akbar, Allahu Akbar, Atu ka Bangsamoro!”, anya pa.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Engr. Aida M. Silongan, na kumakatawan sa mga kababaihan ng MILF, sa gobyerno ng Pilipinas para sa kanilang pakikipagtulungan sa pagpapaunlad ng rehiyong Bangsamoro.

“Sa ngalan ng lahat ng kababaihan ng MILF, nagpapasalamat kami sa gobyerno  ng Pilipinas sa patuloy na pakikipagtulungan sa atin upang mas mapaunlad ang rehiyong Bangsamoro. Nawa’y mas lalo pa natin itong pa-igtingin sa mga susunod pang taon, inshaallah,” wika nito.
“Nawa’y magpatuloy ang pagkilala at pagpapahalaga sa mga kontribusyon  ng kababaihan sa ating lipunan, sa sama-samang pagsisikap mas magiging matagumpay tayo, ang ating layunin tungo sa mas nagkakaisang Bangsamoro, pagpalain Bangsamoro,” ani MP Silongan. (Sahara A. Saban, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post UNDP, BDA Nagbigay ng Suporta sa Komunidad ng MILF sa Maguindanao del Sur sa Pamamagitan ng PROACTIVE Program
Next post Survivors and Families Commemorate 50th Anniversary of Malisbong Massacre on September 24