300K na MILF, supporters inaasahang dadagsa sa Consultative Meeting at General Assembly sa Camp Darapanan

  Grupo ni Mohagher M. Iqbal na syang Chair ng MILF Peace Implementing Panel at miyembro ng Central Committee at Vice President for Central Mindanao Region ang kasama sa nagsagawa ng ocular inspection sa pagdarausan ng MILF Consultative Meeting at General Assembly sa Camp Darapanan. Ang Litrato naman sa taas ay ang MILF Chairman Alhaj Murad Ebrahim na personal na pinangunahan ang inspeksyon sa lugar ng programa. (Litrato mula sa UBJP Regional Headquarters)   

COTABATO CITY (Ika-21 ng Setyembre)– Inaasahang dadagsa ang 300,000 o higit pa na mga miyembro at sympathizers ng  Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa gaganaping Consultative Meeting at General Assembly ngayong Lunes, ika-23 ng Setyembre na gagawin sa Administrative Camp ng MILF sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.

Ngayong araw ng Sabado, ay abala na ang mga lider ng MILF sa pangunguna ni MILF Chairman Ahod “Alhaj Murad” Ebrahim kasama ang mga line agencies ng MILF para sa pagtitipon na ito ayon pa sa anunsyo ng MILF sa pamamagitan ng UBJP Regional Headquarters.

“Nagpatawag ng general committee meeting kanina si Chairman Ebrahim upang tiyakin ang maayos na pagsasagawa ng nasabing assembly,” dagdag sa ulat ng UBJP kaugnay ng  nasabing aktibidad.

Nag anyaya sa lahat ng mga miyembro, tagasuporta, at mga kinatawan ng MILF na lumahok sa gagawing programa, simula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

“Inaasahan po namin ang inyong pagdalo at pakikilahok sa ating pagpupulong,” ayon pa sa UBJP.

Layunin ng pagpupulong na ito ayon pa sa pahayag ng UBJP bilang bahagi ng  dedikasyon at pakikiisa sa mga hakbang ng MILF sa pagpapatuloy ng mga nasimulang magandang pagbabago sa rehiyon ng grupo. 

“Mapapakinggan sa ating pagpupulong ang mga mahahalagang usapin na magpapatatag sa ating pagkakaisa at mga layunin para sa Bangsamoro.,” pahayag ng UBJP. (Tu Alid Alfonso, BangsamoroToday)

One thought on “300K na MILF, supporters inaasahang dadagsa sa Consultative Meeting at General Assembly sa Camp Darapanan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post THREADING THE NEEDLE: SECURING JUSTICE IN A COHESIVE AND SEAMLESS TRANSITION OF SULU
Next post MSSD Namahagi ng Honorarium sa Child Development Workers ng Lanao del Sur at Home Visitation para sa mga Benepisyaryo ng Unlad Program sa Maguindanao del Sur