ISAL Teachers matatangap ang sahod, tuloy lang ang pagtuturo – DG Madaris Education Prof. Nalg

Prof. Tahir G. Nalg, Directorate General for Madaris Education, Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE)-BARMM

COTABATO CITY (March 03, 2023) – Nilinaw ni Prof. Tahir G. Nalg, Director General (DG) ng Madaris Education ng MBHTE-BARMM hinggil sa usapin tungkol sa pagkaka ‘delay’ ng sahod ng mga Islamic Studies and Arabic Language (ISAL) Teachers sa panayam ng 92.1 Voice FM Cotabato sa programang “Mapya Mapita Bangsamoro” umaga ng Huwebes, March 2.


Sinabi ni DG Nalg na madalas din itong nangyayari sa lahat ng ahensya ng pamahaalaan, “Ito po ay kadalasan din nangyayari po sa lahat ng ahensya ng ating gobyerno. Ito ay kahit saan pong branch ng ating gobyerno ay nararanasan po ito, lahat kasi, alam po natin na bagong taon na, sa first quarter pa po tayo ng 2023.”

May mga proseso pang gagawin para tuluyang ma i-download sa Ministry ang sweldo ng mga ISAL Teachers bago ito i-dediposito sa ATM ng bawat Asatidz na buong-buo nilang makukuha simula sa buwan ng Enero hanggang sa kasalukuyang buwan na tatanggapin ng mga guro ang kanilang sahod, dagdag pa ni DG Nalg.

Sa labing isang (11) Schools Division na sakop ng Madaris Education ng MBHTE ay umabot sa 4,868 ang lahat ng naka pirma ng contract of service na ISAL Teachers na inaasahan sa lalong madaling panahon ay makakatanggap ng kanilang sahod.

Panawagan ni DG Nalg, sa lahat ng 4,868 na naka pirma na ng kanilang kontrata bilang ISAL Teachers o Asatidz na magtiis ng kaunti at tuloy lamang sa pagtuturo.

“…dahil tuwing pagpasok ng bagong taon medyo delayed ang inyong mga sweldo at natanggap din naman ninyo ang inyong mga sahod. Ito ay isang karanasan na, at walang dapat ikabahala,” ayon pa kay DG Nalg.

Sa hiring naman ng ISAL teachers, ay tuloy-tuloy ang programa ng Directorate General for Madaris Education ani pa ni DG Nalg.

“Dahil alam po natin ang ating mga learners ay hindi po yan nababawasan, maliban na lamang noong panahon ng Covid pero pagkatapos nitong Covid ay napansin po natin na lumalaki nag ating enrollees,” sabi pa ni DG Nalg.

Sa libu-libong apllikante, 322 lamang ang e ha-hire ng Madaris Education ngayong taong 2023 na mabusising pinag-aaralan ng kanilang tanggapan ang mga naisumiteng mga dokumento upang matiyak na ang talagang kwalipikado ang makakapasok bilang ISAL Teacher.

Sinabi pa ni DG Nalg na ang mga aplikasyon ay diretso na sa kanilang tanggapan isinumite ng mga aplikante upang maiwasan ang sinasabing endorsement, at ito anya ay nakasaad sa isang Memorandum ng MBHTE.

“Iniiwasan po kasi natin na idaan pa sa ibang Tao…sinabi ko po noon na we discourage yung sinasabi na endorsement from somebody na para sila po ay makapasok, open po sa lahat at hindi na kailangan pang dumaan sa ibang tao,” wika ni DG Nalg. ### (Nhor-hamen S. Aplal/BMN-USM BSIR Intern, Photo by Ali-Emran U. Abutazil/BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post UNDP hosts FGD on Climate Security Risk and Vulnerability Assessment in the Bangsamoro
Next post Malaysia, Philippines agree to continue cooperation on political, security matters