Internal Audit Office, Pinangunahan ang COA Entrance Conference para sa OCM Audit ng BARMM CY 2024
COTABATO CITY (Ika-3 ng Setyembre, 2024) — Pinangunahan ng Internal Audit Office (IAO) ng Office of the Chief Minister (OCM) ang entrance conference para sa nakatakdang pag-audit ng Commission on Audit (COA) sa OCM ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para sa Calendar Year 2024 na isinagawa sa Mallberry Suites Business Hotel sa Cagayan de Oro City, noong ika-2 ng Setyembre.
Dinaluhan ang nasabing conference ng mga pinuno ng iba’t ibang tanggapan, serbisyo, dibisyon, at mga project management office sa ilalim ng OCM, kasama ang COA audit team. Tinalakay sa meeting ang tungkol sa audit, mga itinatakdang pamamaraan, at ang timeline para sa pagtatapos ng audit. Ang pangunahing layunin ng conference ay matiyak na ang proseso ng audit ay sumusunod sa mga legal na kinakailangan at maitaguyod ng transparency at accountability sa pamamahala ng pondo ng gobyerno.
Muling pinagtibay ni Senior Minister Abunawas L. Maslamama ang pangako ng OCM na ipatupad ang pinakamataas na pamantayan ng integridad at kahusayan sa lahat ng operasyon nito.
“We should always prioritize transparency and accountability as foundations of our governance. We see this audit not just as a procedural obligation but as a constructive partnership aimed at enhancing our governance structures, improving our service delivery, and ultimately, uplifting the lives of our people,” pahayag ni Senior Minister Maslamama.
Ang aktibong pakikilahok ng OCM sa audit ay nagpapakita ng kanilang dedikasyon sa moral governance at sa kanilang papel sa pagtataguyod ng katatagan at pag-unlad sa rehiyong Bangsamoro. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)