Kontrata para sa TDIF Cash Assistance sa mga Mag-aaral sa Rehiyon, Pinangunahan ni Education Minister Iqbal

(Litrato mula sa MBHTE-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-30 ng Agosto, 2024) — Isinagawa ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) ang seremonya ng paglagda ng kontrata para sa 2023 Transitional Development Impact Fund (TDIF) one-time cash assistance sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex (SKCC) sa Cotabato City na layuning suportahan ang mga piling benepisyaryo na mag-aaral sa kolehiyo at postgraduate sa rehiyon.

Nasa 106 na benepisyaryo ang nakatanggap ng PhP60,000.00 na tulong pinansyal para sa School Year (SY) 2023-2024.

Ang inisyatibong ito ay bunga ng pinagsamang pagsisikap nina Members of Parliament (MPs) Jaafar Apollo Mikhail Matalam, Lanang T. Ali Jr., Randolph Parcasio, at Mohagher Iqbal.

Binigyang-diin ng mga MP ang kahalagahan ng edukasyon sa pagbabago ng buhay at ang kritikal na papel ng TDIF cash assistance program sa pag-aalis ng mga pasaning pinansyal at kahirapan. Dahil sa tulong na ito, magkakaroon ng pagkakataon ang mga estudyante na magpokus sa kanilang pag-aaral nang walang alalahaning pinansyal.

Pinagtibay ni Minister Iqbal ang malaking pamumuhunan sa edukasyon, at kanyang binigyang-diin na ang Bangsamoro Government at ang mga MP ay naglaan ng malaking pondo upang maiangat ang edukasyon sa rehiyon. Ayon sa kanya, ang tulong na ito ay mahalagang hakbang tungo sa pagtupad ng mga pangarap ng mga kabataan at sa pagbuo ng mas maliwanag na kinabukasan para sa buong komunidad. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MSSD tuloy-tuloy ang Kalinga para sa may Kapansanan
Next post Project TABANG Convergence sa Lanao del Norte kasama ang MHSD