MSSD Nagbigay ng Pagsasanay sa Child Development Workers sa Talipao, Sulu at Tulong Pinansyal sa Magsasaka ng Lanao del Sur

(Litrato mula sa MSSD-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-22 ng Agosto, 2024) — Nagsagawa ang Ministry of Social Services and Development (MSSD), Sulu Provincial Field Office, Municipal Social Welfare Office, Municipal Early Childhood Care and Development (ECCD) Coordinating Committee, at Talipao Municipal Local Government Unit (MLGU), ng tatlong araw na pagsasanay para sa 48 Child Development Workers (CDWs) sa Talipao, Sulu noong ika-14 hanggang ika-16, ng Agosto.

Ang layunin ng pagsasanay ay palakasin ang kakayahan ng mga CDWs sa paggamit ng National Early Learning Curriculum (NELC) at Learning Resource Packages (LRPs). Tinuruan ang mga CDWs mula sa iba’t ibang barangay kung paano mas mapabuti ang kanilang pagtuturo sa mga bata sa Child Development Centers (CDCs).

Sa mga sesyon, natutunan ng mga partisipante ang mga estratehiya sa pagpaplano at pagsasagawa ng mga klase para sa maagang edukasyon, batay sa mga alituntunin ng NELC at LRPs.

Ang mga eksperto mula sa MSSD at Ministry of Basic, Higher, and Technical Education (MBHTE) ay nagbahagi ng kanilang kaalaman tungkol sa ECCD.

“This training directly benefits daycare learners by helping CDWs prepare better session plans,” ani Saada S. Jalis, RSW, Municipal Social Welfare Officer ng Talipao.

Nagpasalamat si Sheria An Paduhal, isang CDW mula sa Barangay Buntod, sa MSSD at MLGU, at sinabi, “I’m thankful to MSSD and the MLGU for this training. The knowledge we gained will improve early childhood education of the daycare learners in Talipao.”

Samantala, nagsagawa din ang MSSD ng mahahalagang serbisyo sa mga nangangailangan sa ng North at South Manubul sa Pandami, Sulu noong ika-17 ng Agosto, 2024.

Kabilang sa mga nakatanggap ng tulong ang mga pamilyang Bajau, at may mga kapansanan o Persons with Disabilities (PWDs), pati na din ang senior citizens, na kabilang sa mga pinaka mahina na sektor sa rehiyon.

Sa North Manubul, tatlong pamilyang Bajau ang labis na naapektuhan ng malakas na hangin noong nakaraang buwan ang tumanggap ng tulong. Bawat pamilya ay nabigyan ng isang sako ng bigas, mga pangunahing pangangailangan, at isang kitchen kit.

Natukoy ng mga field social workers ang mga pamilyang ito bilang mga marginalized na katutubong sambahayan. Dahil dito, sila ay nakakatanggap ng karagdagang suporta mula sa Layag Bajau Program ng MSSD, layuning mapabuti ang kalagayan ng mga mahihirap na katutubo sa pamamagitan ng komprehensibong serbisyong panlipunan.

Sa South Manubul, namigay ang MSSD ng mga kagamitan para sa mga may kapansanan sa dalawang nakatatanda at dalawang PWD upang mapabuti ang kanilang paggalaw at kalidad ng buhay. Kasama sa mga ibinigay ang tatlong wheelchair at isang set ng crutches.

Ang mga PWD ay inirekomenda rin para sa Kalinga Para sa May Kapansanan Program, na nagbibigay ng buwanang subsidiya na PhP500.00 upang matulungan ang mga nangangailangan ng karagdagang suporta.

Binibigyang-diin ni Saada S. Jalis, RSW, ang Municipal Social Welfare Officer ng Pandami, ang kahalagahan ng mga hakbang na ito: “These efforts are important in addressing the needs of our clients and enhancing their quality of life. We are committed to ensuring that the social services of MSSD and the Bangsamoro Government reach them, despite the geographical challenges.”

Nagbigay ng suporta sa transportasyon at logistics ang Barangay Local Government Unit ng South Manubul para mapadali ang paghahatid ng mga kagamitan. 

Sa pagpapatuloy ng serbisyo ng MSSD, 98 magsasaka ang apektado ng tagtuyot sa Balindong, Lanao del Sur, ang nakatanggap ng PhP5,800.00 multipurpose cash assistance sa isinagawang payout activity nitong ika-15, ng Agosto sa municipal gymnasium.

Ayon sa MSSD ang kabuhayan ng mga magsasaka ay lubos na napektuhan ng El Niño phenomenon nitong nga nakalipas na buwan. Ang mga benepisyaryo ay napili sa pamamagitan ng field reports na ginawa ng Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform (MAFAR) sa pakikipag-ugnayan sa local government unit.

Nagbigay ng pinansyal na tulong ang MSSD sa 112 indigent na benepisyaryo sa kanilang opisina sa Buadiposo Buntong, Lanao der Sur noong ika-8 ng Agosto. 

Ang mga benepisyaryo, 94 na magsasaka ang nakatanggap ng PhP5,800.00 bawat isa sa ilalim ng Multi-Purpose Cash Assistance (MPCA) Program ng MSSD. Ang programang ito ay layong tumulong sa mga indibidwal at pamilya na naapektuhan ng mga kalamidad at iba pang uri ng emergency.

Bilang karagdagan, 18 indigent na pasyente ang nakatanggap ng medikal na tulong batay sa kanilang pangangailangan. Ang tulong na ito ay ibinigay sa pamamagitan ng Bangsamoro Critical Assistance in Response to Emergency Situations (BCARES) Program.

Ang pamamahagi ng tulong ay isinagawa ng Municipal Social Welfare Office ng Buadiposo sa pangunguna ni Minang Nagamora, RSW, na may tulong mula sa mga social work interns. (Hanadz D. Saban, Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MOLE’s Bangsamoro Internship Development Program Distributes Stipends to Asatidz
Next post PSRO, MILF Commanders Nagtipon sa Cotabato City upang Sugpuin ang Rido sa Bangsamoro