161 Kabataang BARMM, Lumahok sa 2024 DOST-SEI Junior Level Science Scholarships Exam

(Litrato mula sa MOST-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-31 ng Hulyo, 2024) — Isang daan at animnapu’t isa (161) na mga kabataan mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang kumuha ng 2024 DOST-SEI Junior Level Science Scholarships (JLSS) Examination na ginanap sa iba’t ibang testing venues sa rehiyon, kabilang dito ang 12 na examinees mula sa Lungsod ng Cotabato at Maguindanao, tatlo mula sa Tawi-Tawi, at 146 mula sa Lanao del Sur noong Ika-28 ng Hulyo, 2024.

Ayon sa Facebook page ng MOST, ang mga examinees ay kasalukuyang mga estudyanteng nasa ikalawang taon ng kolehiyo na nagnanais na maging kwalipikado sa 2024 JLSS Scholarship Programs. Ang mga mapipiling scholars ay makakatanggap ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng PhP40,000.00 para sa tuition at iba pang bayarin sa paaralan, PhP10,000.00 para sa book allowance, buwanang PhP7,000.00 na living allowance, transportation allowance, group health at accident insurance, thesis allowance, at graduation allowance.

Layunin ng DOST JLSS Program 2024 na magbigay ng mga scholarship upang matustusan ang edukasyon ng mga talentado at karapat-dapat na estudyante sa kanilang ikatlong taon ng kolehiyo na kumukuha ng mga kursong may kinalaman sa science at teknolohiya. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post 336 Pamilya na Apektado ng Armadong Labanan sa MDN at Mahigit 1,000 Pamilya na Apektado ng Baha sa BARMM, Nakatanggap ng Tulong
Next post UBJP Nagpapahayag ng Pasasalamat sa mga Tausug sa Matagumpay na Provincial Assembly ng MILF Political Party