MP Antao Nagbigay ng PhP1 Milyon sa Dr. Ramon Pesante Clinic and Hospital, Inc. para sa Hospitalization Fee ng Pasyententeng Mahihirap

(Litrato mula sa Tanggapan ni MP Mohammad Kelie U. Antao)

COTABATO CITY (Ika-23 ng Hulyo,2024) —Ipinagkaloob ng opisina ni MP Mohammad Kelie U. Antao ang pondong nagkakahalaga ng Isang Milyong piso (1,000,000.00) sa Dr. Ramon Pesante Clinic and Hospital, Inc. sa idinaos na Medical Outreach Program at Turnover of Medical Assistance Fund na ginanap sa Pesante Hospital, Libungan noong ika-19 ng Hulyo.

Ang nasabing pondo ay mula sa Bangsamoro Government na ipinamahagi sa pamamagitan ng Ministry of Health (MOH) at isinagawa bilang bahagi ng Medical Outreach Program dahil sa kapansin-pansing pangangailangan ng mga mamamayan ng tulong pinansyal at medikal ay nagpasya si MP Antao na gamitin ang MOP Fund upang tulungan ang mga kinakapos sa pambayad sa ospital.

Taos-pusong tinanggap ng administrasyon ng Pesante Hospital ang pondo at nagpapasalamat sa nabuong makabuluhang partnership sa paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa publiko.

Nitong nakaraang linggo, nagpalabas din ng pondo mula sa MOH si MP Antao para sa mga Barangay Health Workers ng Datu Blah Sinsuat municipality. Bukod dito, mayroon ding existing fund sa MSSD para sa hospital fees na kasalukuyan nang ginagamit ng mga mamamayan, Moro man o hindi, sa loob at labas ng teritoryo ng Special Geographic Area. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post OJT Students ng BMN, Nakiisa sa Brigada Eskwela ng J. Marquez National High School
Next post MBHTE, Inilunsad ang Home-Grown School Feeding Program para Labanan ang Malnutrisyon sa BARMM