MHSD-BARMM Sinimulan ang Pagtatayo ng 50 Housing Units at Training Center sa Sulu
COTABATO CITY (Ika-23 ng Hulyo,2024) — Sinimulan ng Ministry of Human Settlements and Development (MHSD) ng Bangsamoro government, kasama ang iba pang mga stakeholder sa groundbreaking ceremonies para sa pagtatayo ng 50 resettlement housing units at 2-storey training center sa Parang, Sulu noong ika-17 ng Hulyo.
Ang mga housing units ay itatayo sa Brgy. Tainting, na pinondohan ng General Appropriations Act for the Bangsamoro (GAAB) 2024, samantalang ang training center naman ay itatayo sa Brgy. Alu Layag-Layag, na pinondohan ng Transitional Development Impact Fund (TDIF) 2023 ni Benjamin T. Loong, Member of the Parliament.
Pinangunahan ni Atty. Najira S. Hassan, Provincial Director ng MHSD-Sulu, ang mga aktibidad at binigyang diin na ang hangarin ng MHSD ay hindi lamang limitado sa pagtatayo ng mga proyektong pabahay kundi nais din nito ang pagbuo ng matatag na tahanan at komunidad para sa mga susunod na henerasyon.
“The MHSD Provincial Office will consistently monitor the implementation of the projects until their completion to ensure its quality. The service of this ministry does not end here, once the project is completed, the Ministry will help the beneficiaries create and organize associations like the Homeowners’ Association and the like, paving the way for additional assistance and services from different ministries and agencies,” wika ni Provincial Director Hassan.
Kasama ni Director Hassan sa seremonya sina Hon. Mayor Alkhadar T. Loong at Hon. Vice-Mayor Madzhar T. Loong. Dumalo rin sa groundbreaking ceremony si Jhay-Ar S. Salim, Brgy. Chairperson ng Tainting, kasama si Nurasid S. Hassan, dating Brgy. Chairperson ng Tainting, pati na ang iba pang opisyal mula sa munisipal at barangay local government units (LGUs).
Nilagdaan ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng MHSD at LGU para sa mga proyektong ito na naganap sa Zamboanga City. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)