MBHTE-TESD, CFSI nagsagawa ng Culmination Ceremony at Releasing ng Training Support Fund sa LDS

(Litrato mula sa MBHTE-TESD)

COTABATO CITY ( Ika-19 ng Hulyo 2024) — Sumailalim ang 80 trainees sa Culmination Program at Releasing of Training Support Fund ng MBHTE-TEAD at Community and Family Services International (CFSI) ang matagumpay na nagtapos at tumanggap ng kanilang allowance sa Camp Bushra, Aleem Abdulazis Mimbantas, Satellite Office, Sandab Butig, Lanao del Sur, kahapon ika-18 ng Hulyo, 2024.

Ang bilang ng mga nagsanay sa Dressmaking ay 25, sa Cookery ay 25, sa Computer System Servicing naman ay 30.

Ayon sa nakuhang impormasyon ng BMN/BangsamoroToday, ang nasabing programa ay bahagi ng Bangsamoro Scholarship Program for TVET-Tulong ng Tekbok sa pag-angat ng Bangsamoro 2024.

Ito ay naisagawa sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng Technical Education and Skills Development (TESD), Lanao del Sur Provincial Office at ng Community and Family Services International.

Samantala, lubos naman ang pasasalamat ng mga nagtapos sa oportunidad na makapag-aral ng libre at makakakuha ng mga kaalaman na magagamit para sa pag-unlad ng kanilang pamumuhay. (Fatima G. Guiatel, MSU-Maguindanao OJT ABIS Student, BMN/Bangsamoro Today)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post “Pagpapatibay ng Partido” sentro ng Mensahe ni Gov. Macacua sa UBJP General Assembly at Consultative Meeting
Next post Gaza: Repeated mass casualty events put hospitals under severe strain