MSSD Namahagi ng Cash Assistance para sa Bangsamoro Sagip Kabuhayan
COTABATO CITY (Ika-10 ng Hulyo, 2024) — Ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) ay namahagi ng cash assistance sa pamamagitanng provincial office ng 22 Bangsamoro Sagip Kabuhayan (BSK) program sa Talipao, Sulu, ika-5 ng Hulyo.
Ang bawat benepisyaryo ay nakatangap ng PhP15,000 bilang seed capital para suportahan ang kanilang negosyo pangkabuhayan.
Bago ang distribusyon ay nagsagawa ang MSSD ng masusing pagsusuri at pagpapatunay upang matiyak ang tamang impormasyon at maibigay sa totoong benipisyaryo ng programa.
Ang layunin ng programang BSK ay matulungan ang mga mahihirap sa rehiyon ng Bangsamoro sa pamamagitan ng pagsasanay at seed capital, at matulungan din ang mga benepisyaryo kung paano mapabuti at mapalago ang kanilang mga pera at magamit ng tama upang makatulong sa pag-araw-araw na pangangailangan. (Rahima K. Faisal MSU-Maguindanao OJT AB-IS Studies, BMN/Bangsamoro Today)