President Marcos Jr. Pinangunahan ang Opening Ceremony ng Palarong Pambansa 2024 sa Cebu City
COTABATO CITY (Ika-10 ng Hulyo, 2024) — Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang opening ceremony ng pinakamalaking sporting event sa bansa ang Palarong Pambansa 2024, para sa mga student-athletes, noong Martes ika-9 ng Hulyo na ginanap sa Cebu City Sports Center Oval, Cebu City, Philippines.
Pinuri ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga atleta sa kanyang inspirational message na siyang pormal na nagbukas ng taunang national sporting competition.
“I congratulate you all in advance, you are already champions, all of you that are here, your hard work and determination have made you true champions in the hearts and minds of your family, of your schools, your communities regardless of whatever the outcomes will be during this palaro,” mensahe ni President Marcos.
Kasama ang kanilang mga coach at mga opisyal mula sa ibat’ ibang rehiyon ng bansa, humigit-kumulang na sa sampung-libong (10,000) mga atleta sa elementarya at sekondarya ng mga paaralan ng bansa ang maglalaban-laban sa 34 sporting event ngayong taon, na may temang “Beyond Sports: Puso sa Paglalaro, Galing sa Pagpupunyagi, Talino sa Pag-aaral” na magtatagal ng isang linggo mula ika-10 hanggang ika-16 ng Hulyo.
Samantala, ayon sa mga organizers ng naturang palaro, ang 2024 Palarong Pambansa ay tungkol sa paglalakbay patungo sa pag-unlad, pagkamalikhain, at pagkakaisa na nagbibigay inspirasyon sa mga kabataan upang maging mahusay sa kani-kanilang komunidad.
Ang Cebu City ay unang nag-host ng inter-regional multi-sports competition noong 1954 at pangalawa noong 1994, matapos ang tatlumpung taon ay muling nag host ang Cebu City sa Palarong Pambansa. Ito ang pangatlong beses na ang Cebu City ay nagho-host ng inter-regional multi-sports competition. (Sopia A. Angko, MSU-Maguindanao OJT ABIS Student, BMN/BangsamoroToday)