Social Pension para sa Indigenous Senior Citizens ng Tawi-Tawi Masayang tinanggap ng tulong ng MSSD
COTABATO CITY (Ika-8 ng Hulyo, 2024) — Masayang tinanggap ng Indigenous Senior Citizens ang PhP 6,000 na tulong pinansyal mula sa Ministry of Social Services and Development (MSSD) sa lalawigan ng Tawi-Tawi, mula noong Hunyo ika-28 at hanggang ika-08 ng Hulyo.
Ang 3,776 Indigenous Senior Citizens ng Tawi-tawi, ay patuloy parin ang tulong pinansyal sa kanila upang matulungan ang pagsuporta sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Sa Munisipalidad ng Simunul, 1,166 ang nakatanggap, 752 naman sa Tandubas, 592 naman sa Sibutu, 473 naman sa Panglima Sugala at 793 sa South Ubian.
Samantala, ayon sa MSSD para mabuo ang 4,789 na target, 1,013 lamang ang kanilang kulang para sa kwalipikadong benepisyaryo na nakasaad sa Master List ng Social Pension. (Fatima G. Guiatel, MSU-Maguindanao OJT ABIS Student, BMN/Bangsamoro Today)