Turn-Over ng Medical Ambulance sa Benepisyaryo ng Bangsamoro Gov’t., Matagumpay na Naisagawa

(Litrato mula sa MOH-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-8 ng Hulyo 2024) — Matagumpay na naisagawa ang turn over ng mga sasakyan pang Medikal sa ginanap na Turn-over Ceremony and signing of Memorandum of Understanding (MOU) na ginanap sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex, BARMM Government Center, Cotabato City ngayong araw ng Lunes.

Ang mga sasakyang na turn-over ay binubuo ng apat na uri, kabilang na rito ang Land Ambulance na may bilang na 48, dalawang (2) Sea Ambulance at Mobile Clinics, at walong (8) Patient Transport vehicles na mayroong kabuuang bilang na animnapu (60). Ayon pa sa MOH ang proyektong ito ay ipinatupad sa ilalim ng BARMM Transitional Development Impact Fund (TDIF) ng taong 2023-2024.

Pormal na dinaluhan at pinangunahan ni BARMM Chief Minister Ahod “Alhaj Murad” B. Ebrahim ang nasabing seremonya, kasama ang kasalukuyang Minister of Health, Dr. Kadil Sinolinding Jr., at ang Deputy Minister of Health Hon. Zul Qarneyn M. Abas, at iba pang opisyales ng BARMM Government.

Ang nasabing proyekto ay malaking tulong sa mga mamamayang Bangsamoro lalo pa at mapadali ang pag-access ng mga tao para sa serbisyong pangkalusugan ng MOH-BARMM.

Ayon Kay MOH Dr. Sinolinding ay ramdam nito ang mamamayang Bangsamoro, “We heard you, We feel you and We are responding.” Dagdag pa nito, “dito sa Bangsamoro, lahat tayo ay pantay-pantay. No one shall be left behind. No one shall be unattended. These quality healthcare services shouldn’t be foreign to us”. (Norhainie S. Saliao, MSU-Maguindanao OJT ABIS Student, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Social Pension para sa Indigenous Senior Citizens ng Tawi-Tawi Masayang tinanggap ng tulong ng MSSD
Next post Layag Bajau Program ng MSSD-BARMM, 60 Benipesyaryo nabiyayaan sa Tawi-Tawi