Regional Manpower Development Center at Police Provincial Office ng Maguindanao Del Norte, Lumagda ng MOA

(Litrato mula sa MBHTE-TESD)

COTABATO CITY (Ika-2 ng Hulyo, 2024) — Nilagdaan ang Memorandum of Agreement (MOA) para sa EPAS NC ll Qualification ng Regional Manpower Development Center (RMDC) at Police Provincial Office ng Maguindanao Del Norte na ginanap sa PHQ Old Capitol, Barangay Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte, araw ng Lunes ika-1 ng Hulyo.

Layunin ng kasunduang ito ang pagpapaigting at pagbibigay kaalaman at kahusayan sa mga kapulisan sa larangan ng Electronic Products Assemby and Servicing (EPAS NC ll) na magpapalakas ng teknikal na kakayahan.

Kabilang sa mga dumalo ang representante at mga lokal na opisyal ng bawat ahensya na nagpapakita ng kanilang suporta at dedikasyon sa matagumpay na isinagawang kasunduan.

Inaasahan din na magiging maayos ang pagpapatupad ng mga proyekto at programang nakasaad sa ilalaim ng MOA na siyang magbibigay ng karagdagang oportunidad at positibong pagbabago sa mga kapulisan at mamayan ng rehiyon. (Sopia A. Angko, MSU-Maguindanao OJT ABIS Student, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Statement by Minister Mohagher Iqbal on the Appointment of Senator Sonny Angara as the new Department of Education Secretary
Next post BMN Nagsagawa ng Community Base Extention Work sa Traditional Madrasa ng Balabagan, LDS