BARMM Government malugod na sinalubong ang mga Bangsamorong Hajj
COTABATO CITY (Ika – 29 ng Hunyo 2024) — Sinalubong ng Bangsamoro Government kabilang dito ang mga opisyal mula sa iba’t ibang ministries, opisina, at local government units kasama ang mga pamilya at kaibigan ang unang batch ng Bangsamoro Pilgrims mula Makkah, Saudi Arabia, sa Cotabato (Awang) Airport, DOS, Maguindanao del Norte nitong Huwebes ika-27 ng Hunyo.
Malugod na binati ng welcoming team mula sa BARMM, na bitbit ang slogan na “Oplan Byaheng Ayos, Hajj Salubong 2024,” sa 44 na pilgrim at kanilang tatlong Sheikh na may mga pagbati, yakap, pakikipagkamay, packed lunch, meryenda, at token bag.
Ayon sa National Commission on Muslim Filipinos (NCMF), humigit-kumulang 5,060 Filipino Muslim ang lumahok sa taunang pilgrimage ngayong taon sa banal na lungsod ng Makkah.
Sinabi ni Bangsamoro Pilgrimage Authority (BPA) Planning Officer IV Engr. Abo Dalama ang positibong karanasan ng mga pilgrim sa taong ito, na binanggit na sila ay inaalagaan at sinusubaybayan nang mabuti sa kanilang pananatili sa Saudi Arabia.
Aniya mas maayos ang kanilang Hajj ngayon kumpara noong nakaraang taon dahil wala silang natatanggap na ulat ng kahirapan sa pagkain at tirahan habang nananatili sa Saudi.
“Their Hajj is better now compared to last year because we have not received any reports of difficulties with food and accommodation while staying in Saudi, Alhamdulillah (All praises be to Allah),” wika ni Dalama.
Sa ulat ng Bangsamoro Information Office (BIO) BARMM, sa kabila ng matinding init ng panahon na naging sanhi ng pagkasawi ng abot sa 1,301 na hindi na e dokumentong pilgrims, ay wala pa namang namatay na Filipino pilgrims ngayong taon , batay sa pagkumpirma ni NCMF Division Chief of Muslim Settlement and Regional Chairman of Hajj Operation, Atty. Nasrudin Calib.
Sa ngayon ang Bangsamoro Government at pinalakas ang adbikasiya sa mga otoridad na lumahok sa taunang hajj na hiwalay sa operasyon ng NCMF.
Ang usapin tungkol dito ay kabilang sa agenda ng National Government at Bangsamoro Government Inter-Governmental Relations Body (IGRB), ngunit hanngang sa ngayon ay nakabinbin parin ang desisyon dito.
Sa kasalukuyan, ang Kingdom of Saudi Arabia ay ang NCMF lamang ang kanilang kinikilala na syang humahawak sa bagay na ito patungkol sa mga magsasagawa ng pilgrim kasama ang Hajj Ministry ng bansang Arabia.
Ngunit, ang BPA, sa lalong madaling panahon ay ipa process ng legal ang usaping ito ng pilgrims na nakatira sa Bangsamoro region base sa RA No. 11054 o Bangsamoro Organic Law (BOL), dagdag sa ulat ng BIO. (Arna L. Kayog, MSU-Maguindanao OJT ABIS Student, BMN/BangsamoroToday)