Empleyado ng MAFAR-BARMM dumaan sa SHEP Approach Training
COTABATO CITY (Ika-30 ng Mayo, 2024) – Nag-organisa ang Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform (MAFAR) katuwang ang Agribusiness Marketing and Assistance Division (AMAD) ng isang sesyon ng pagsasanay na nakatuon sa Smallholder Horticulture Empowerment and Promotion (SHEP) Approach Training sa mga empleyado ng ministeryo na dinaluhan ni MAFAR Chief of Staff Arphia Ebus, JD, Sh.C., at ng iba pang opisyales ng MAFAR na ginanap nitong Martes, ika-28 ng Mayo.
Sa nasabing pagsasanay, tinalakay ng mga pangunahing tagapagsalita ang iba’t ibang aspeto ng SHEP approach. Binigyang-diin ni Samraida Undong, Supervising Agriculturist ng MAFAR-Maguindanao, ang kahalagahan ng kasarian sa balangkas ng SHEP.
Ipinaliwanag naman ni Senior Agriculturist Ramil Timpolok ang four-step approach ng SHEP sa mga empleyado.
Samantala, hinikayat ni COS Ebus ang mga empleyado na gamitin ang SHEP approach upang matulungan ang mga magsasaka nang epektibo. Ang naturang pamamaraan ay nagbibigay ng mga pangunahing kasanayan, kaalaman, at mapagkukunan sa mga magsasaka upang mapabuti ang kanilang mga pamamaraan sa pagsasaka, makapag-access sa mga merkado, at mapabuti ang kanilang kalagayan sa sosyo-ekonomiko.
Sa kasalukuyan, ang SHEP approach ay nagpapakita ng magandang resulta para sa mga lokal na magsasaka sa mga bayan ng Barira at Matanog, at Maguindanao del Norte. (Sahara A. Saban, BMN/BangsamoroToday)