Chief Minister “Alhaj Murad” Ebrahim isinusulong ang pakipagtulungan sa HWPL para sa kapayapaan sa rehiyon, wakasan ang hidwaan sa Ukraine at Palestine

BARMM Chief Minister Ahod “Alhaj Murad” Ebrahim, tumanggap ng pagkilala para sa gawaing pangkapayapaan mula sa HWPL Philippines.

MANILA, PHILIPPINES (Ika-21 ng Abril, 2024) — Ilang taon nang nagtutulungan ang Bangsamoro Transition Authority sa rehiyon ng Bangsamoro sa pamumuno ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) Chairman Ahod “Alhaj Murad” Ebrahim na kasama ang HWPL Philippines sa pagpapatupad ng mga hakbangin para sa kapayapaan sa rehiyon ng Bangsamoro.

Sa ginanap na ika-2nd National Peace Convention dito sa Philippine International Convention Center (PICC), Pasay, Metro Manila, na inorganisa ng HWPL Philippines ay itinampok ni “Alhaj Murad” Ebrahim sa kanyang pangunahing talumpati, ang pakikipagtulungan sa HWPL Philippines bilang suporta sa mga hakbangin sa kapayapaan bago pa man ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Ang Mindanao (BARMM) na maitatag noong 2019 sa pamamagitan ng RA 11054.

Ang MILF Chieftain na ngayon ay punong ministro ng Bangsamoro transitional government ay nagsabi na walong (8) taon na ang nakalipas nang magsimula ang kanilang pakikipagtulungan kay HWPL Chairman Lee Man-hee. Sila ay nagtutulungan at bilang simbolo ng partnership, ang dalawang lider ay nagkasundo at nagtatag ng isang monumento ng kapayapaan sa Camp Darapanan, Sultan Kudarat, Maguindanao.

Ayon kay Ebrahim, tiniyak nito na lahat ng mga programa at aktibidad ng kapayapaan ng HWPL ay mararamdaman sa buong autonomous region. Nakipagtulungan din sya sa maraming mga hakbangin para sa kapayapaan tulad ng unang Bangsamoro peace education, summit conference at ang pangalawang world peace summit sa Camp Darapanan.

“Sa pagharap sa hinaharap, ang gobyerno ng Bangsamoro ay nananatiling nakatuon sa aming pangako na higit na magkatuwang tungo sa pagsasabatas ng DPCW at pagdadala ng kapayapaan sa bansa at sa Bangsamoro, at sa pandaigdigang komunidad,” ayon kay Ebrahim.

Sinabi ni Chief Minister Ebrahim na ang inisyatiba na ito ang nagbunsod sa kanya upang ideklara ang Enero 24 bilang HWPL Peace Day sa Bangsamoro.

Sinabi nito na ang transition authority Parliament, ay nagpatibay ng isang resolusyon bilang 439 na nagdedeklara sa Enero 24 bilang araw ng kapayapaan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

“I’m humbled to highlight the transition authority Parliament, has adopted a resolution number 439 declaring January 24 as the peace day in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao,” ayon sa kanya sa silang English.

Sinabi niya na pinagtibay din ng parliyamento ang resolusyon bilang 440 na sumusuporta sa mga pagsisikap ng HWPL para sa pagkilala sa deklarasyon ng kapayapaan at pagtigil ng digmaan bilang isang internasyonal na legal na nagtatapos na instrumento ng kapayapaan.

“Now that our work is not yet over, there is a need to institutionalize the declaration of peace and cessation of war in the whole country. We see that it worked in Bangsamoro and I find there’s no reason that it could not work in the rest of the country,” dagdag ni Ebrahim, ang pagbibigay diin na hindi pa tapos ang gawain, at kailangan na i-institutionalize ang deklarasyon ng kapayapaan at pagtigil ng digmaan sa buong bansa. Nakita nito na kapakipakinabang sa Bangsamoro at anya walang dahilan na hindi ito gumana sa ibang bahagi ng bansa.

Binigyang-diin din ni Ebrahim ang pandaigdigang panawagan na dapat magkaroon ng malakas na pagtulak upang pagsama-samahin ang mga pagsisikap at tumulong upang wakasan ang tunggalian sa Ukraine at ang ethnic cleansing at genocide ng estado ng Israel laban sa mga mamamayan ng Palestinian. (Faydiyah Samanodi Akmad, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post BARMM Ministry of Social Services and Development distributes relief aid in SGA’s drought-affected families
Next post HWPL Philippines successfully hosts 2nd National Peace Convention