Islamic Symposium pinangunahan ng MILF Committee on Tarbiyyah wa Ta’lim sa Tawi-Tawi kasabay ng pagbibigay update sa Bangsamoro Peace Process
COTABATO CITY (Ika-26 ng Enero, 2024) – Nagsagawa ng Islamic Symposium para sa Bangsamoro sa lalawigan ng Tawi-Tawi ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) Committee on Tarbiyyah wa Ta’lim at Sub-Committee on Noble Qur’an Affairs katuwang ng Alhuffaz Charity Foundation in Southern Philippines, Inc sa pakikipagtulungan ng Supreme Council for Islamic Preaching and Guidance araw ng Miyerkules, ika- 24 ng Enero sa Tubig-Mampallam, munisipyo ng Bongao.
Ang programa ay dinaluhan ng mga Hufadz, Ustadh at mga estudyante ng Ma’had Tawi-Tawi Al-Arabe Al- Ilslamie na pinangunahan ni Engineer Zubair A. Guiman ang Secretary ng MILF Coordinating Committee on Cessation of Hostilities (CCCH) kasama ang Head, Joint Communication Committee, MILF Peace Implementing Panel Abdullah P. Salik, Jr. JD na nagbigay ng update sa pagpapatuloy na implementasyon ng Bangsamoro Peace Process.
Ibinahagi ni Salik sa mga dumalo sa programa ang kasaysayan ng pag-uusap sa pagitan ng Gobyerno at MILF kabilang na pagkakaroon ng final peace agreement.
“Ang final peace agreement ay yung CAB (Comprehensive Agreement on the Bangsamoro), duoon nakasaad ang agreement ng gobyerno at MILF,” ayon pa kay Salik.
Sinabi din nito na ang nag draft ng Bangsamoro Organic Law (BOL) ay ang ang Bangsamoro Transition Commission taong 2012 at nagtapos noong manungkulan na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
“Ano ang pagkakaiba ng Bangsamoro Organic Law at Republic Act 9054 sa pagbuo ng ARMM?” ang tanong ni Salik. Anya ang RA 9054 ay ang nag- impose nito ay ang Philippine government at walang nangyaring konsultasyon sa taumbayan maging ang Moro National Liberation Front (MNLF) na noon ay siyang unang namahala sa dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Sa pagbuo ng BOL, ang mga BTC Commissioner ang nag-draft sa laman nito at lahat ng tao sa Bangsamoro ay kinonsulta paliwanag pa ni Salik. “Nagkaroon ng Bicameral meeting between the Senate and Congress, grabe ang process sa Manila and we were there together with Sir Mohagher Iqbal,” dagdag pa nito.
Inilahad din nito sa napagkasunduan ng gobyerno at MILF ay tanging 85% lamang na laman ng CAB ang naisama sa Republic Act 11054, ang 15% ay maaari pang pag-usapan para maipatupad ang kasunduan ng isang-daang porsyento (100%).
“Meaning meron pa tayong sisingilin sa gobyerno na around 15% sa mga pinga-usapan duon,” ayon kay Salik.
Sa ngayon ay may dalawang track na tumatakbo sa Bangsamoro Peace Process, ito ay ang political track na ang resulta nito ay ang pagkakatatag ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at pagkakabuo sa Bangsamoro Transition Authority (BTA) na siyang gumagawa ng batas para sa Bangsamoro region at ang normalization track na nakapaloob ang decommissioning ng MILF combatants, kasama ang Policing, Transitional Components of Normalization tulad ng Joint Normalization Committee, Joint Peace and Security Committee, Joint Peace and Security Teams.
Kabahagi din sa nilagdaang Annex on Normalization noong ika-25 ng Enero, 2014 sa Kuala Lumpur, Malaysia na nilagdaan sa panig ng GPH Prof. Miriam Coronel-Ferrer at MILF Mohagher M. Iqbal na sinaksihan ng Malaysian Facilitator Tengku Datu’ Ab Ghafar Tengku Mohamed ang Redeployment of the AFP, usaping UXOs and Landmines, Disbanding of Private Armed Groups, Socio-Economic Development Program, Transitional Justice and Reconciliation, Resource Mobilization, Confidence-Building Measures at Schedule.
Sa Islamic Symposium na ginanap sa Bongao, ay kasama sina Ustadh Abdulgani Alawi ang Chairman, Supreme Council for Islamic Preaching and Guidance, Ustadh Samsudin Abdulrahman ang Admin, Shuunul Qur’anil Kareem, Tarbiyyah, MILF na nagbigay ng Importance of Qur’an in the Bangsamoro (Zuh’d). Sa programa, ay binigyan ng diin ng mga ispiker ang kahalagahan ng banal na Koran bilang susi ng pagkakaisa, kapayapaan at kaunlaran sa Bangsamoro region.
Buong pusong nangako sa Message of Commitment sina Ustadh Zulhambri L. Bani ang Provincial Chairman, Committee on Da’wah, Tawi-Tawi, Ustadh Abdulwahid Inju na syang Mufti, Tawi-Tawi, Murshid, BIAF-MILF Ustadh Abdulmaula Gandawali upang maisagawa ang magkahalintulad na programa, nandoon din si Ustadh Bukhari E. Camama ang Deputy, Shuunul Qur’anil Kareem, Tarbiyyah, MILF. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)