Magsasaka ng Maguindanao del Sur, binigyan ng MAFAR-BARMM ng proyekto
COTABATO CITY (Ika-6 ng Enero, 2024) — Sabay-sabay ang ginawang groundbreaking ceremony para sa tatlong unit ng Multi-Purpose Drying Pavements sa Munisipalidad ng Guindulungan, Talitay, at Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur ang isinagawa ng Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform na layuning pagpapahusay ng imprastraktura ng agrikultura.
Pinangunahan ni Bangsamoro Director General for Agriculture Services Daud K. Lagasi, Ph.D., ang groundbreaking ceremony noong Enero 4, kasama ang Regional Engineering Division team na pinamumunuan ni Engr. Ashnaira A. Abdullah.
Binigyang-diin ni Director General Lagasi ang isang malaking hamon na kinakaharap ng mga magsasaka—ang kakulangan ng mga dryer, na kadalasang nagreresulta sa pansamantalang pagpapatuyo sa mga kalsada.
“This MPDP will assist farmers in having sufficient drying space for their produce,” (Ang MPDP na ito ay tutulong sa mga magsasaka sa pagkakaroon ng sapat na drying space para sa kanilang ani),” pahayag ni DG Lagasi.
Ang isang malawak na drying space na 420 metro kuwadrado, ang MPDP ay kayang tumanggap ng 80-100 bag ng kanilang mga produkto.
Binigyang-diin ni Director General Lagasi na ang Multi-Purpose Drying Pavement na ito ay maaaring magsilbing pundasyon para sa pagbuo ng kita ng kooperatiba.
Hinikayat din niya ang mga benepisyaryo na magkaroon ng malakas na pakikipagtulungan at aktibong pakikilahok sa tuluy-tuloy na pagpapatupad ng proyekto upang matiyak ang matagumpay na pagkumpleto nito at pangkalahatang benepisyo para sa bawat magsasaka sa lugar.
Ang Ground Breaking Ceremony ay dinaluhan ng mga pangunahing opisyal, kabilang sina Asst. sa Province Director for Special Geographic Area (SGA) at Cotabato City Disumimba Rasheed, MAFAR Maguindanao Chief Agriculturist Saudi Manguindra, Science Research Specialist II Guiapar Esmail, Municipal MAFAR Officers, Project Contractor, gayundin ang mga Municipal at Barangay Officials sa lugar. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)