5,231 Opisyales at Miyembro dumagsa sa UBJP Special Geographic Area Mass Oath Taking Ceremony
COTABATO CITY (Ika-16 Disyembre 2023)
— Bilang bahagi ng suporta sa United Bangsamoro Justice Party (UBJP) Special Geographic Area (SGA) ay dumagsa ang 5,231 na opisyales at miyembro sa Mass Oath taking Ceremony na pinangunahan ni UBJP President Ahod B. Ebrahim, UBJP Vice President for Central Mindanao Mohagher M. Iqbal, at Duma Mascud ang UBJP SGA-CEO na ginanap sa Crossing Kapinpilan, Kadayangan Municipality, SGA BARMM nitong ika-16 Disyembe.
Kabilang sa mga dumalo sa Mass Oath taking Ceremony ng UBJP-SGA ay sina Member of Parliament Mohammad Kellie U. Antao, MP Engr. Aida M. Silongan, MP Atty. Marry Ann Arnardo, MP Abdullah Hashim, MP Suwaib “Gordon” Oranon, MP Akmad “Jack” Abas sa pamamagitan ng kanyang anak.
Sa programa ay nagpakita rin ng suporta ang walong Munisipiyo na nasasakupan nito kabilang ang Pahamuddin, Kadayangan, Nabalawag, Old Kaabakan, Kapalawan, Malidegao, Tugunan, at Ligawasan, maging ang tanggapan ni Governor Emmylou Taliño-Mendoza.
“Party ko, Party ningka, Party tanu langon”, ang chanting ni Iqbal na syang nanguna sa mass oath taking ng UBJP-SGA at ang bago nitong miyembro na kaylan man ay dipa sumali sa alin mang political party sa bansa na si Atty. Arnado.
Sinabi ni Iqbal na kailangang manalo ang UBJP sa 2025 BARMM election upang maipagpatuloy ang bunga ng pakikipagpaglaban ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) para sa karapatan sa sariling pagpapasya ng Bangsamoro, gayundin ang moral governance.
“Isa sa magiging kasangkapan para sa ikakaunlad ay ang moral governance, dahil kung walang moral governance ay walang moral justice,” ayon kay Iqbal.
“Sa patuloy na pagkakaisa ng United Bangsamoro Justice Party ay mapapanatili ang kapayapaan upang magkaroon ng pagkakaisa at kaginhawaan para sa Bangsamoro,” pahayag ni Iqbal. (Saima H. Angcog, BMN/BangsamoroToday)