Tulong ng MSSD-BARMM agarang ibinigay sa mga biktima ng pagsabog sa MSU-Marawi

Kaganapan sa loob ng Amai Pakpak Medical Center, araw ng Linggo, December 3, 2023 na nag-uusap ang kawani ng Ministry of Social Services and Development (MSSD) ng BARMM sa Hospital Personnel. (Litrato mula sa MSSD-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-4 ng Disyembre, 2023) – Kasunod ng insidente ng pambobomba kamakailan sa Dimaporo Gymnasium, Mindanao State University–Main Campus, Marawi City na ikinasawi ng apat ka-tao at ikinasugat ng mahigit apat-napu, nitong Linggo ng umaga, ang Ministry of Social Services and Development (MSSD), sa pamamagitan ng Lanao del Sur Provincial Branch Office, ay nagpaabot ng agarang tulong sa mga mga biktima.


Sa ginanap na virtual press conference ni Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim, alas-kwatro (4PM) ng hapon araw ng Linggo, ay ibinahagi ni MSSD Minister Atty. Raissa H. Jajurie ang kanilang naging aksyon.

“Yung initial na nagawa po ng Ministry of Social Services and Development was to ensure that there are MSSD workers, social workers and Para-Social Worker at least in the vicinity ng MSU Infirmary at Amai Pakpak Medical Center. May 38 na raw po na na-discharged after the treatment sa hospital at two of them are from Ozamiz City or signify their intention to go there, so, for that nagbigay po tayo ng cash assistance at transportation and continued medication dun po sa mga sugat nila at PhP20,000 each po ang naibigay na natin doon,” wika ni Atty. Jajurie.

Patuloy din anya ang pakikipagtulungan ng MSSD sa hospital at Local Government Units (LGUs) para sa karagdagang tulong ayon pa kay Minister Jajurie.

“Ongoing po ang ating coordination also with the hospitals and with the LGU so that we can assess lalo po na hindi pa rin na kontak pa yung lahat ng deceased at definitely po will provide for ng cash assistance uli for burial and also general, generic na cash assistance para po matugunan ang iba pa po nilang pangangailangan,” ayon pa kay Minister Jajurie.

Ibinahagi din ni Atty. Jajurie ang tulong para sa mental health at psychosocial support initiatives para sa mga buhay na biktima ng pagsabog.

Sa karagdagang impormasyon, personal na pinuntahan ng MSSD fieldworkers ang mga biktimang na-admit sa Amai Pakpak Medical Center (APMC) at MSU infirmary at ibinigay ang family food pack, hygiene kit, at dignity kit sa mga pasyente at sa kanilang mga tagapag-alaga.

Ayon naman kay MSSD Provincial Social Welfare Officer Yasmira Pangadapun, sa APMC, isang (1) pasyente ang nakatanggap ng PhP10,000 na tulong, at dalawang (2) watchers sa operating room ng APMC ang nabigyan ng PhP5,000 bawat isa.

Sa MSU infirmary, tatlong (3) pasyente ang nakatanggap ng PhP5,000 bawat isa para sa transportasyon, at 14 na pasyente ang tumanggap ng PhP2,000 bawat isa para sa kanilang medikal na pangangailangan. Namahagi din ang MSSD ng mainit na pagkain sa mga pasyente sa APMC at sa MSU infirmary.

Ngayong Lunes ay bibisita rin ang MSSD sa mga funeral parlor ng mga namatay na biktima sa Iligan City at ayon sa Ministry ang bawat pamilyang naulila ay bibigyan ng PhP 50,000 para sa tulong pinansyal at burial. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post BARMM Chief Minister Ahod B. Ebrahim Official Statement on the Explosion in the Mindanao State University Gymnasium, Marawi City
Next post ‘Said Furniture Shop’ sa SGA nakatanggap ng tulong sa MOST-BARMM