MP Antao dumalo sa turn-over activity ng livelihood support ng Bangsamoro government para sa SGA-BARMM
COTABATO CITY (July 14, 2023) – Ang dating Board Member ng Lalawigan ng Cotabato at ngayon ay Miyembro ng Parliament na si Mohammad Kelie Antao, ay kabilang sa dumalo sa turn-over activity ng livelihood support para sa Special Geographic Area (SGA) ng rehiyon.
Ang Bangsamoro Government, sa pamamagitan ng Ministry of the Interior and Local Government (MILG) ay nagbigay ng may kabuuang P83 milyong halaga ng mga makinarya at kagamitan sa sakahan, kabilang ang mga motor banca na may kumpletong kagamitan sa pangingisda, ang nai-turn over araw Huwebes, ika-13 ng Hulyo, sa mga magsasaka at mangingisda sa Barangay Tumbras, Midsayap Cluster ng SGA-BARMM.
Kasama sa mga makinarya ang mga farm tractors, harvester, at fishing equipment, bukod sa iba pa, na kinuha mula sa Special Development Fund (SDF) ng regional government at inilaan para sa mga residente ng Midsayap Clusters 1 at 2.
Si Antao ay nagbalik tanaw sa kalagayan ng Barangay Tumbras bago ang ratipikasyon ng BOL.
Isa aniya ang Tumbras sa mga lugar na nagpahiwatig ng kanilang pagsasama sa BARMM sa huling minuto ng itinakdang deadline ng Commission on Elections.
“Tingnan niyo, dahil nakahabol kayo, nakakatanggap tayo ng ganitong tulong,” malugod na sinabi ni Antao.
Ayon naman kay MILG Minister Atty. Naguib Sinarimbo na ang mga ito ay bahagi ng pangkalahatang suporta ng pamumuno ni Chief Minister Ahod Ebrahim sa mga komunidad sa SGA.
Idinagdag ni Sinarimbo na ang mga nasasakupan ng SGA ay “trailblazers” sa mga tuntunin ng pamamahala dahil sa kanilang kakaibang karanasan sa pamamahala ng nakasanayang pamamahala ng Pilipinas at ng autonomous na pamahalaan sa ilalim ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
“Hindi lang kayo sumama sa BARMM kundi meron kayong potential na mas paggandahin yung uri ng paggo-gobyerno dahil sa inyong experience dati,” ayon pa kay Sinarimbo.
Ang SGA ay binubuo ng 63 dating lugar o barangay na inukit sa Lalawigan ng Cotabato at naging bahagi ng mga opisyal na teritoryo ng BARMM matapos ang matagumpay na plebisito noong Pebrero 6, 2019 gaya ng itinatadhana sa Bangsamoro Organic Law (BOL).
Kinilala ni Sinarimbo na may mga puwang nang ang 63 barangay na ito ay naging opisyal na teritoryo ng BARMM ngunit tiniyak niya sa komunidad ang pangako ng pamahalaang pangrehiyon na punan ang kakulangan, kaya patuloy ang pagbuhos ng mga interbensyon ng gobyerno.
“Kaya po meron tayong SGA Development Authority (SGADA) na attached office sa MILG para matiyak na natutugunan po ang inyong pangangailan,” dagdag pa nito. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday, Litrato ng pasilidad mula sa BIO-BARMM)