Opisyales ng MENRE-BARMM, dumalo sa Orientation on Enhancing the Capacities of Local Solid Waste Management Boards
COTABATO CITY (June 9, 2023) – Ang Ministry of Environment, Natural Resources and Energy (MENRE), sa pangunguna ni Director General Atty. Badr E. Salendab, ay dumalo sa Orientation on Enhancing the Capacities of Local Solid Waste Management Boards through Benchmarking noong Mayo 28–Hunyo 2, na inorganisa ng Ministry of Interior and Local Government sa pamamagitan ng TAHARA program nito.
Sa pahayg ng MENRE, ang aktibidad ay inorganisa bilang bahagi ng pagsisikap na ipatupad ang Republic Act No. 9003, na kilala rin bilang Ecological Solid Waste Management Act. Kasama sa aktibidad ang benchmarking, o “Lakbay-Aral,” na kinabibilangan ng pagbisita sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City upang obserbahan at alamin ang kanilang matagumpay na community-based solid waste management practices na naging daan upang makuha ang iba’t ibang parangal at pagkilala.
Ang mga kinatawan mula sa OMS Waste Techno Incorporated, Environmental Management Bureau Central Office ng DENR, at Bureau of Local Government Supervision Central Office ng DILG ay nagsilbing resource person para sa kaganapang ito. Ang aktibidad ay dinaluhan ng 18 Local Government Unit mula sa 6 na lalawigan at mga piling miyembro ng Sub-Committee on Regional Solid Waste Management Technical Working Group (SCRSWM-TTWG).
Bukod dito, ang mga kinatawan mula sa MENRE ay binubuo ng Solid Waste Management Division team, Chief EMS Engr. Abdulmaoti Akmad, Senior EMS Engr. Sindatu B. Dimaraw, at Datu Nogie Salendab, Khalil S. Bayam, ang Direktor ng DENR para sa BARMM Affairs, ay naroroon din sa kaganapan. (Tu Alid Alfonso, BMN/BAngsamoroToday, Litrato kuha ni Ems, BARMM-MENRE)