BARMMAA Meet 2023 Medal Tally: Cotabato City nangunguna, 48 Gintong Medalya, naungusan ang Maguindanao II Schools Division

Source: Director Judith D. Caubalejo, Chairman, Recorder and Clerk, BARMMAA Meet 2023.

COTABATO CITY (May 29, 2023) — Naungusan na ng Cotabato City Schools Division na may 48 gintong medalya ang 31 gintong medalya ng Maguindanao II Schools Division na syang pumapangalawa sa pwesto kasunod ang Maguindanao I Schools Division na may 30 medlayang ginto simula 2:33 ng hapon ngayong araw ng Lunes sa pagpapatuloy ng BARMMA Meet 2023.

Bagamat ayon kay Director Judith D. Caubalejo, chairman, recorder at clerk ng Palarong BARMMAA, ito ay partial lamang na gold medal tally report.


Base sa inilabas na data noong 3:41 p.m. ng Linggo, Mayo 28, ay ay nangunguna pa ang Maguindanao II Schools Division na may 15 gintong medalya at hindi man lamang pumasok ang Cotabato City sa Top 3.

Narito ang kumpletong listahan mula kay Caubalejo ng BARMMA Meet 2023 Partial Gold Medal Tally:


1. Cotabato City: 48 Gold Medals
2. Maguindanao II: 31 Gold Medals
3. Maguindanao I: 30 Gold Medals
4. Tawi-Tawi & Lamitan City: Has 28 Gold Medals each
5. Lanao del Sur II: 22 Gold Medals
6. Basilan: 16 Gold Medals
7. Sulu: 11 Gold Medals
8. Lanao del Sur I: 9 Gold Medals
9. Marawi City: 3 Gold Medals
10. SGA: 0 Gold Medal

Samantala, sa panayam ng Voice Fm Cotabato sa programang “Mapya Mapita Bangsamoro” kay Dr. Yusoph Thong A. Amino, sports director ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) ng Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM) na naging hamon ang sama ng panahon dulot ng bagyong Betty sa mga laro na ginaganap sa labas o “outdoor activity” kayat naantala ang ilang mga laro.

Umaga ng Lunes, ay naki ayon ang panahon at tuloy ang mga laro para sa Championship games katulad ng Basketball at Baseball na ginagawa sa Cotabato City Peoples Sports Plaza at Cotabato State University dito sa Lungsod. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Maguindanao II Schools Division, Nangunguna sa BARMMAA Meet 2023: 15 Gold, 17 Silver, at 11 Bronze Medals
Next post Cotabato City Schools Division, ‘Grand Champion’ sa BARMMAA Meet 2023; 67 Gold Medal, tumanggap ng P150-K cash