Pangulong Marcos, Jr. prayoridad ang pagpapaunlad ng 2 bagong likhang lalawigan ng Maguindanao
COTABATO CITY (April 29, 2023) – Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. noong Biyernes, April 28 kung saan nanumpa sa katungkulan ang mga itinalagang mga opisyales Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte na inuuna ng kanyang administrasyon ang pagpapaunlad ng mga bagong itinatag na dalawang lalawigan.
Ito, habang nagpahayag siya ng kagalakan na ang kanyang administrasyon ay nakahanap ng solusyon sa mga problemang kinakaharap ng dalawang bagong lalawigan.
Sa panunumpa ng mga opisyal mula sa dalawang lalawigan, tiniyak ni Pangulong Marcos na maaasahan nila ang suporta ng pambansang pamahalaan partikular na sa panahon ng transisyon.
“So asahan ninyo na ang national government, ay kami naman talaga ay malaking priority sa amin, malaking bagay sa amin na ito’y maging maayos dahil makakapagdala na tayo ng development sa iba’t ibang lugar na kung dati ay hindi pa natin nagawa, ngayon ay magagawa na natin and that is why this is so important to give because this is a grand opportunity,” ayon kay Marcos.
At sinabi ng Pangulo na iyan ang dahilan kung bakit mataas ang prayoridad na ang lahat ng ito ay maging isang tagumpay. Nangako si Marcos na makakaasa ang mga opisyales ng dalawang lalawigan dahil kilala nila ang isa’t isa nang lubos na mapagkakatiwalaan ng kanyang administrasyon ang isa’t isa na maging katuwang sa tagumpay ang bagong mga probinsya.
Kinilala ng punong ehekutibo ang kaunting hamon na maaaring maranasan ng dalawang lalawigan ngunit sa pagtutulungan, pagkakaunawaan, at kompromiso na ipinakita ng mga opisyal, magkakaroon ng dalawang malakas na lalawigang gumagana mula sa dating lalawigan noong isa pa lamang noon ang Maguindanao.
Ang kasalukuyang hamon, ani ng Pangulo, ay kung paano maayos na ayusin ang dalawang lalawigan upang ang paghahati ng lalawigan ng Maguindanao ay maging pakinabang ng dalawang bagong lalawigan.
Sa pagpapahayag ng optimismo, sinabi ni Pangulong Marcos: “Although we are presently still in transition, I think that we have an opportunity to make that transition most advantageous to all of us because ang maganda siguro, masasabi natin kapag may bagong probinsya, may bagong constituency, may bagong LGU.”
Kabilang sa mga hinirang at nanumpa kay Pangulong Marcos noong Biyernes ay sina Maguindanao del Norte Governor Abdulraof Abdul Macacua, Vice Gov. Fatima Ainee Limbona Sinsuat, board members Armando Mastura, Mashur Ampatuan Biruar, Datu Rommel Seismundo Sinsuat, Alexa Ashley Tomawis, at Aldulnasser Maliga Abas.
Ang mga opisyal ng Maguindanao del Sur na nanumpa sa tungkulin ay sina Gov. Mariam Sangki Mangudadatu, Vice Gov. Nathaniel Sangacala Midtimbang, mga board member Bobby Bondula Midtimbang, Ahmil Hussein Macapendeg, Yussef Abubakar Musali Paglas, Alonto Montamal Baghulit, at Taharudin Nul Mlok.
Noong Mayo 2021, nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Republic Act No. (RA) 11550, na hinati ang lalawigan ng Maguindanao sa dalawang magkahiwalay at independiyenteng lalawigan na kilala bilang Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur. (Tu Alid Alfonso/BMN-BangsamoroToday, Litrato mula sa Presidential Communication Office)