BTA, MOH-BARMM namigay ng 17 unit ng ambulansya
COTABATO CITY (April 10, 2023) – Nakatanggap ang Provincial Health Office at mga recipient sa buong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ng ambulansya mula sa Ministry of Health (MOH) ng rehiyon at mga miyembro ng Bangsamoro Transition Authority (BTA), ito ang inihayag ng opisyal BARMM noong Miyerkules.
Sinabi ni Health Minister Rizaldy Piang na ang pamamahagi noong Miyerkules ng mga bagong unit ng ambulansya ay natupad sa pamamagitan ng Transitional Development Impact Fund (TDIF), isang nangungunang proyekto ng BTA na tumutulong sa mga natukoy na benepisyaryo.
Punto ni Piang na ito anya ay senyales na ang pamahalaang Bangsamoro ay tumutugon sa pangangailangan ng komunidad, ani Piang, ito ay matapos lagdaan kasama ng mga mambabatas ng BARMM ang memorandum of understanding (MOU) para sa pamamahagi ng mga ambulansya.
Binigyang-diin ni Piang na ang mga ambulansya ay dapat gamitin sa kung ano ang nakasaad sa layunin ng paggamit nito, upang mapahusay ang emergency medical response system sa BARMM.
Samantala, ibinahagi naman si Anisa Matuan, Chief of Planning Division ang mga pamamaraan para sa paghiling ng iba’t ibang serbisyong medikal ng MOH.
Paliwanag pa ni Mautan na ang 17 ambulansya na ay bahagi ng 34 na bagong unit ng ambulansya na ipinamahagi ng MOH-BARMM sa iba’t ibang probinsya sa BARMM. Sila at nakapag-turn over ng 17 units mula sa unang batch noong Marso 3, at 17 pa para sa pangalawang batch.”
Ang mga lalawigan, lungsod, munisipalidad at ang bilang ng mga unit ng ambulansya na kanilang natanggap ay lima (5) sa Basilan, walo (8) sa Maguindanao, isa (1) sa Lanao del Sur, isa (1) para sa Cotabato City, isa (1) ang ibinigay sa Mother Kabuntalan, at Kabacan North Cotabato ang nabigyan din ng isa (1). ### (Tu Alid Alfonso/BMN/BangsamoroToday, Litrato kuha ng BMN)