Ika-37 Pulong ng GPH-MILF, Pinatatag ang Kapayapaan sa Bangsamoro
COTABATO CITY (Ika-23 my Disyembre, 2025) — Sa unang pagkakataon sa Pilipinas, personal na dumalo ang mga kasapi ng International Contact Group (ICG) sa pulong ng GPH at MILF Peace Panels, nagpapakita ng matibay na determinasyon ng dalawang panig na itaguyod ang Bangsamoro peace process.
Pinangunahan ang ika-37 pulong nina Cesar Yano, Chairperson ng GPH Peace Implementing Panel, at Mohagher Iqbal, Chairperson ng MILF Peace Implementing Panel at Bangsamoro MP. Dumalo rin ang Malaysian Third Party Facilitator, sa pangunguna ni Special Adviser Zulkifli bin Zainal Abidin, at ang mga kasapi ng ICG, kabilang ang Japan, United Kingdom, Saudi Arabia, at Türkiye, pati na rin ang ilang international NGOs bilang observers.
Itinuturing na makasaysayan ang pagpupulong dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na personal na nasaksihan ng ICG ang isang panel meeting sa loob ng bansa.
Sa pulong, tinalakay ang pagpapatibay ng mga mekanismo at institusyon ng Bangsamoro peace process, pangangalaga sa balangkas ng kapayapaan, at ang kahalagahan ng bukas at inklusibong pag-uusap sa pagitan ng GPH at MILF. Layunin din nitong muling pagtibayin ang pangako ng dalawang panig na tuparin ang kanilang obligasyon sa ilalim ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB), ipagpatuloy ang magkasanib na aktibidad sa Normalization, at tugunan ang mga isyung kaugnay ng kauna-unahang BARMM Parliamentary Elections.
Sa pagtatapos, naglabas ang GPH at MILF Peace Panels ng Joint Statement na naglalaman ng mga rekomendasyon at susunod na hakbang para sa patuloy na pagsusulong ng kapayapaan sa Bangsamoro. (BMN/ BangsamoroToday)