
Board Member Nando, Nanawagan ng Agarang Pagpapatupad ng ng People’s Law Enforcement Board sa Maguindanao del Sur

COTABATO CITY (Ika-15 ng Oktubre, 2025) — Nanawagan ng agarang pagpapatupad ng People’s Law Enforcement Board (PLEB) sa Maguindanao del Sur, si Board Member (BM) Hon. Rahib Nando, sa Isinagawag Regular Session of the 2nd Sangguniang Panlalawigan of the Province of Maguindanao del Sur, na pinangunahan ni Vice Governor Ustadz Hisham S. Nando, na ginanap sa Provincial Capitol ng Maguindanao del Sur, araw ng Martes, Oktubre 14.
Sa talumpati ni BM Nando, binigyang-diin nito ang naturang panukalang pagpapatupad ng PLEB, ay tugon sa kahilingan ng National Police Commission–BARMM, na naglalayong magkaroon ng civilian oversight sa mga operasyon ng pulisya.
Binanggit niya na ang PLEB ay hindi lamang legal na obligasyon, kundi isang moral na tungkulin ng pamahalaan upang mapanatili ang tiwala ng publiko at mapalakas ang pananagutan sa hanay ng kapulisan, alinsunod sa Republic Act No. 6975 o Department of the Interior and Local Government Act of 1990.
Ayon sa kaniya, “The PLEB is more than a bureaucratic requirement. It is a symbol of trust. It reflects the government’s commitment to uphold justice and respect for the rights of citizens.”
Hinimok din niya ang mga Sangguniang Bayan na magpasa ng resolusyon, upang hikayatin ang mga Local Chief Executives na agad maglabas ng Executive Order para sa pagsasakatuparan ng nasabing batas.
“By doing so, we will not only comply with the law, but also strengthen public trust and uphold accountability,” dagdag niya.
Ang nasabing panukala ay inaprubahan naman ng Sangguniang Panlalawigan sa Regular Session of the 2nd Sangguniang Panlalawigan of the Province of Maguindanao del Sur 14th Regular Session sa pamumuno ni Vice Governor Ustadz Nando.
Samantala, Binigyang-diin din nito na dapat maging huwaran ang Maguindanao del Sur sa Bangsamoro region, sa pagpapatupad ng epektibong mekanismo para sa civilian oversight sa kapulisan. (Noron M. Rajabuyan, BMN/BangsamoroToday)