Tanggapan ni MP Abu, nagkaloob ng ₱1.5 milyong tulong medikal sa Cotabato Regional and Medical Center

(Larawan mula sa BTA-LATAIS)

COTABATO CITY (Ika-13 ng Oktubre, 2025) —Pormal na itinurn-over ng Tanggapan ni Parliament Member (MP) Mudjib Abu ang halagang ₱1.5 milyon bilang tulong medikal sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) upang palakasin ang kakayahan ng ospital na makapagbigay-serbisyo sa mga mahihirap na mamamayan ng rehiyon.

Ang pondo ay nagmula sa Transitional Development Impact Fund (TDIF) ni MP Abu at sa 2025 Supplemental Fund, na ilalaan para sa pagbili ng mga gamot at pagbibigay ng mga serbisyong medikal sa mga pasyenteng nangangailangan.

Nilagdaan ng Ministry of Health at CRMC ang Memorandum of Understanding (MOU) para sa pagpapatupad ng Tulong Medical Assistance at Mercury Drug Package Program.

Ayon kay Dr. Ishmael Dimaren, hepe ng CRMC, malaking tulong ang nasabing kontribusyon dahil makatutulong ito sa mas maraming pasyente at higit pang mapalalakas ang kakayahan ng ospital na makapaghatid ng de-kalidad na serbisyong pangkalusugan.

Binigyang-diin naman ni Health Minister Kadil Sinolinding Jr. ang kahalagahan ng pagtutulungan sa pagitan ng mga pinuno ng pamahalaan at mga institusyong pangkalusugan upang mapataas ang antas ng serbisyong medikal sa buong Bangsamoro region. (BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post BLTFRB, Isinusulong ang Ligtas at Maayos na Transportasyon sa BARMM
Next post Senator Padilla, Hinimok ang CSC na Pag-aralan ang mas madaling Civil Service Eligibility para sa mga Katutubong Pilipino