
Mass filing of Amnesty para sa dating MILF Combatants, Pinangunahan ni MP Mantawil at MP Basit

Mantawil)
COTABATO CITY (Ika-6 ng Oktubre, 2025)—Pinangunahan ni MP Bailing S. Mantawil ng MILF Technical Working Group (TWG) on Amnesty Delegation, katuwang si MP Basit “Jannati Mimbantas” Abbas, Front Commander ng Northeastern Mindanao Front, MILF-BIAF, Ang isinagawang Mass Filing of Amnesty Applications, para sa mga dating myembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), bilang mahalagang hakbang sa pagsusulong ng kapayapaan at proseso ng normalisasyon sa Bangsamoro. Ito ay ginanap sa Camp Bushra Somiorang (AAMMC-MILF Panel Satellite Office), Barangay Sandab, Butig, Lanao del Sur, noong Oktubre 4.
Sa kabuuan, 72 dating MILF combatants ang nakapagpasa ng kanilang aplikasyon para sa amnesty, 60 kwalipikadong aplikante ang nabigyan ng kanilang Safe Conduct Pass (SCP) mula sa National Amnesty Commission(NAC), bilang isang mahalagang hakbang, upang sila ay muling makapamuhay ng mapayapa at produktibong kasapi ng lipunang Bangsamoro.
Pinamunuan naman ang aktwal na proseso ng aplikasyon ni Atty. Leah C. Tanodra-Armamento, Chairperson ng National Amnesty Commission (NAC), kasama sina Atty. Jamar M. Kulayan, Anwar S. Alamada, na siya ring MILF-AHJAG Chairman at kasapi ng MILF-TWG on Amnesty Delegation, at si MP Lanan Ali, ang Local Amnesty Board (LAB), MILF-AHJAG, Public Attorney’s Office (PAO), IBP, at ang Initiatives for Dialogues and Empowerment through Alternative Legal Services (IDEALS). Sama-sama nilang tiniyak na ang pagproseso ng mga aplikasyon ay magiging maayos, mabilis, at ligtas para sa lahat ng kalahok.
Samantala, Dumalo din sa aktibidad si Bai Pangandongan Dilangalen ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) – Cotabato Chapter upang magbigay-suporta sa legal na aspeto ng proseso.
Ang naturang aktibidad ay patunay na nagpapatuloy na diwa ng kapayapaan, hustisya, at reintegrasyon sa ilalim ng Amnesty Program ng Pamahalaan. (Noron M. Rajabuyan, BMN/BangsamoroToday)